Chix and Chips


Last night, ito ang dinner namin. Ilang weeks ko nang binabalak na magluto ng fried chicken na kagaya nung sa Max Restaurant. Ofcourse alam naman natin na trade secret nila yun and I don't know kung may nakagaya na talaga ng recipe nila. May mga nabasa na ako sa ibang food blog sa recipe nito at yun ang pinagbasihan ko sa nilutong kong ito. Hindi man kasing sarap ng sa Max pero masasabi ko na masarap din ang kinalabasan ng luto kong ito.

CHIX AND CHIPS

Mga sangkap:

1 whole chicken cut into half

3 tbsp. salt

1 tsp. pepper

2 small sachet maggie magic sarap

1 cloves garlic

1 medium onion

1 small grated ginger

2 large size potato (Hiwain na parang french fries)

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. Paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap

2. Sa pinaghating manok, ikiskis o imasahe ang mg pinahalong sangkap sa #1. Hayaan ng mga 1 oras bago lutuin.

3. Sa isang kaserola, ilagay ang bawang, sibuyas, luya at paminta sa 5 na tasang tubig. Maaring dadagan pa ng asin. Hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.

4. Ilagay ang minarinade na manok. Lagyan ng 1 sachet na maggie magic sarap. Takpan hanggang sa maluto.

5. Hanguin sa isang lalagyan at hayaang lumamig.

6. Sa isang kawali, magpakulo ng mantika. Dapat nakalubog ang kalhati ng manok na ipi-prito.

7. Kung kumukulo na, unang i-prito ang patatas. Kung luto na, hanguin at ilagay sa paper towel para maalis ang sobrang mantika.

8. I-prito na ang manok. Buhos-buhosan ng mantika ang katawan ng manok.

9. Hanguin at ilagay sa isang lalagyan.

10. I-pritong muli sa kumukulong mantika para mas maging malutong ang balat ng manok.

11. Ihain habang mainit kasama ang pritong patatas.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
hindi ba tumitilamsik ang mantika nito/?
natatakot akong magluto ng ganitong style at baka lahat ng mantika nasa mukha at kamay ko na...sarap talaga nito...sana may atsarang papaya to complete the recipe...or kung dito ka sa amerika..eh coleslaw salad naman...
Dennis said…
Titilansik talaga because of the excess juice or water galing sa pinaglagaan. I-drain talaga dapat or pwede mong dampian ng paper towel before frying. Isa pa, sa kaserola na may takip ako nag-prito para nga matakpan at hindi magtilansikan ang mantika.

Dennis
Cool Fern said…
tenks for the tip....
dito naman is fish and chips ang kadalasan sa menu ng mga restaurants
Anonymous said…
hi nice blog kaso ask ko lang po puwedi bang di an ako gumamit ng magic sarap kasi lahat nga mga lutuin nyo gumatamit nun.thanks
Dennis said…
Yup.... pwede naman. Optional ito sa lahat ng niluluto ko. Yun lang, iba talaga ang isinasarap pag nilalagyan mo nito. Magic talaga. Try mo din and you taste the difference.

Thanks

Dennis
Anonymous said…
sir sponsor mo ba ang maggi magic sarap? imo its an MSG (monosodium glutamate) based seasoning..and its not good for our health... it will only give an ARTIFICIAL flavor to the dish..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy