Egg Surprise and Nido Soup


Remember the pasta dish with meat balls na na-post ko 2 or 3 days ago? Yung mga sangkap na ginamit sa bola-bola is the same refipe na ginamit ko sa entry natin for today. Sabi ko nga sa post ko yesterday, dapat may mga twist tayong ginagawa para hindi maging boring ang ating eating esperience.

Yung pangalan ng dish hindi ko matandaan kung saan ko nakuha. Pero alam ko may dish na ganito talaga. Nang i-check ko sa net hindi ganito ang recipe ng ginawa ko. Actually kaya ito ang ipinangalan ko kasi may element of surprise...hehehehe. Kung baga, parang bola-bola lang siya pero pag hiniwa mo may egg pala sa loob. Hehehehe




Ito ang dinner namin last night, and it's a success.


EGG SURPRISE

Mga Sangkap:

8 hard boiled egg
1/2 kilo Pork Giniling
1 cloves garlic finely chopped 2 medium onion finely chopped
1 small sachet Maggie Magic Sarap
1 egg
1/2 cup all purpose flour
2 tbsp. soy sauce
1 carrots grated or finely chopped
3 cups cooking oil
Salt and Pepper

2 cups japanese bread crumbs


Paraan ng pagluluto:

1. Paghalu-haluin lang ang lahat ng sangkap maliban sa itlog, bread crumbs at cooking oil

2. Balutin ang itlog ng pinaghalong mga sangkap at igulong sa bread crumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan.

3. Painitin ang mantika sa isang kawali. Dapat mainit na mainit ang mantika.

4. I-prito ang mga ginawang itlog na binalutan ng giniling hanggang sa maluto.

5. Hiwain sa gitna at ihain na may sawsawan na catsup o pinaghalong mayonaise at minced garlic.

Sa dinner namin na ito, nagluto din ako ng instant nido soup. Knorr Chinese style soup ang ginamit ko. Masarap talaga.

Kain na tayo!

Comments

Cool Fern said…
hinintay ko talagang mabasa lahat kasi excited ako sa nido soup..i was thinkng from scratch yong nido soup mo...anyway, kakatuwa naman ang egg surprise mo...talagang ma surprise ka nga..nice recipe, dennis
Dennis said…
Mahirap ang Nido soup from scratch....Di ba natuyong laway ng ibon ang ginagamit nun? At napakamahal nun kung bibilhin mo ng raw. Sa chinese restaurant nga sobrang mahal ng isang order nito.

Pero itong instant Nido soup ng Knorr, the best. Lasang Nido soup talaga. Try it.

Dennis
Unknown said…
hi kuya dennis! favorite ko ang spag with meatballs. 1 time unuwian ako ng pasalubong ng husband ko from their pantry sa trabaho. sabi nya egg surprise daw ang tawag dun. sabi ko wala akong nakikitang egg dun. all i see is a gigantic meatball. inisip ko, ahh... siguro sa sobrang laki ng meatball na un sobrang dami ding itlog na nagamit. and much to my surprise, isang extra large na itlog pala ang nasa loob. hehehe... anyway, try mo din yung variation nila, instead na plain lang, ang sauce nung egg surprise nila is sweet and sour sauce. masarap din. kulang nalang noodles para maging pasta. hehehe...
Dennis said…
Thanks Janice...salamat at nagawi ka sa aking munting blog.

Tama ka..sweet and sour chili sauce ang masarap na sawsawan nito. Pwede na yung nabibili sa supermarket.

Okay din na nakahalo na sa egg surprise para kumapit yung lasa sa karne.

Thanks again..bisita ka lagi ha....everyday may bago akobng posting....Share mo din sa mga filipino friends mo.

Kuya Dennis
Lisa said…
Tried the nido soup last year from like www.geocities.jp/hongkong_bird_nest/index_e.htm . Tastes really good... yeah, I thought it was gross at first, but wow, you won't regret it.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy