Egg Surprise and Nido Soup
Mga Sangkap:
8 hard boiled egg
1/2 kilo Pork Giniling
1 cloves garlic finely chopped 2 medium onion finely chopped
1 small sachet Maggie Magic Sarap
1 egg
1/2 cup all purpose flour
2 tbsp. soy sauce
1 carrots grated or finely chopped
3 cups cooking oil
Salt and Pepper
2 cups japanese bread crumbs
Paraan ng pagluluto:
1. Paghalu-haluin lang ang lahat ng sangkap maliban sa itlog, bread crumbs at cooking oil
2. Balutin ang itlog ng pinaghalong mga sangkap at igulong sa bread crumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan.
3. Painitin ang mantika sa isang kawali. Dapat mainit na mainit ang mantika.
4. I-prito ang mga ginawang itlog na binalutan ng giniling hanggang sa maluto.
5. Hiwain sa gitna at ihain na may sawsawan na catsup o pinaghalong mayonaise at minced garlic.
Sa dinner namin na ito, nagluto din ako ng instant nido soup. Knorr Chinese style soup ang ginamit ko. Masarap talaga.
Kain na tayo!
Comments
Pero itong instant Nido soup ng Knorr, the best. Lasang Nido soup talaga. Try it.
Dennis
Tama ka..sweet and sour chili sauce ang masarap na sawsawan nito. Pwede na yung nabibili sa supermarket.
Okay din na nakahalo na sa egg surprise para kumapit yung lasa sa karne.
Thanks again..bisita ka lagi ha....everyday may bago akobng posting....Share mo din sa mga filipino friends mo.
Kuya Dennis