Ginataang Pla-pla
Hello! Hindi ito isang klase ng paputok ha....hehehehe. Ngayon kasi pag sinabing pla-pla malakas na paputok ito. Pero ang totoo, tilapia ito na malaki o extra large ang size.
Kagabi nakabili ako ng tilapia o pla-pla. 2 kilos at 3 piraso. Just imagine kung gaano kalaki ang tilapiang ito. Iniisip ko kung anong luto ang pwedeng gawin dito. Komo nga nagmamadali ako, yung pinaka-madali na lang ang naisip ko. At yun nga ang recipe natin for today. Ginataang Pla-Pla. Pero nilagyan ko ng twist.....eto na
GINATAANG PLA-PLA
Mga Sangkap:
2 kilos Pla-pla or Tilapia
1 can instant gata or kung yung piga na sa palengke 1/2 kilo
luya (gayatin ng pino)
bawang
sibuyas
asin at paminta
lemon grass o tanglad (lower white portion)
leaks
Maggie magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Igisa ang luya, bawang, sibuyas at tanglad
2. Lagyan ng kaunting tubig at hayaang kumulo
3. Ilagay ang gata ng niyog at timplahan ng asin at paminta. Hayaang kumulo.
4. Ilagay ang tilapia o pla-pla. Takpan hanggang sa maluto.
5. Tikman at maaring timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa
6. Hanguin at lagyan ng ginayat na leaks sa ibabaw.
Note: Para sa akin, mas masarap kainin ito ng kinabukasan pa. Mas nasisipsip pa kasi ng isda ang mga flavors. Also, yung iba binabalot nila ang isda ng dahon ng gabi o kaya naman pechay para hindi madurog ang laman ng isda. Nasaan pala ang twist? Yung nilagyan ko ng lemon grass o tanglad. Sa pamamagitan nito, mas nadagdagan ang flavor at nawala lalo ang lansa ng isda.
Thats it! Enjoy!
Comments
1. lalagyan ko ng palaman yong tilapia ng tinadtad na kamatis,bawang,sibuyas at luya saka ko babalutin ng pechay at sasapinan ko yong lutuan ng tanglad bago ko pakukuluan sa gata.
o kaya;
2. ipapaksiw ko muna yong tilapia sa purong suka na may sapin na luya,sibuyas at bawang at patutuyuin ng husto yong suka at pag medyo naaamoy ng sunog yong mga nakasapin saka ko ibubuhos yong gata.
Dennis
Dito kasi sa Pilipinas ang tilapia ang isa sa pinaka-murang isda na mabibili mo sa palengke. So sa hirap talaga ng buhay ngayon, kung ano ang mura yun na muna. hehehe
Dennis