Ginataang Pla-pla



Hello! Hindi ito isang klase ng paputok ha....hehehehe. Ngayon kasi pag sinabing pla-pla malakas na paputok ito. Pero ang totoo, tilapia ito na malaki o extra large ang size.

Kagabi nakabili ako ng tilapia o pla-pla. 2 kilos at 3 piraso. Just imagine kung gaano kalaki ang tilapiang ito. Iniisip ko kung anong luto ang pwedeng gawin dito. Komo nga nagmamadali ako, yung pinaka-madali na lang ang naisip ko. At yun nga ang recipe natin for today. Ginataang Pla-Pla. Pero nilagyan ko ng twist.....eto na


GINATAANG PLA-PLA

Mga Sangkap:

2 kilos Pla-pla or Tilapia

1 can instant gata or kung yung piga na sa palengke 1/2 kilo

luya (gayatin ng pino)

bawang

sibuyas

asin at paminta

lemon grass o tanglad (lower white portion)

leaks

Maggie magic Sarap (optional)


Paraan ng pagluluto:

1. Igisa ang luya, bawang, sibuyas at tanglad

2. Lagyan ng kaunting tubig at hayaang kumulo

3. Ilagay ang gata ng niyog at timplahan ng asin at paminta. Hayaang kumulo.

4. Ilagay ang tilapia o pla-pla. Takpan hanggang sa maluto.

5. Tikman at maaring timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa

6. Hanguin at lagyan ng ginayat na leaks sa ibabaw.


Note: Para sa akin, mas masarap kainin ito ng kinabukasan pa. Mas nasisipsip pa kasi ng isda ang mga flavors. Also, yung iba binabalot nila ang isda ng dahon ng gabi o kaya naman pechay para hindi madurog ang laman ng isda. Nasaan pala ang twist? Yung nilagyan ko ng lemon grass o tanglad. Sa pamamagitan nito, mas nadagdagan ang flavor at nawala lalo ang lansa ng isda.


Thats it! Enjoy!

Comments

Anonymous said…
may dalawang paraan ako sa pagluto nito,

1. lalagyan ko ng palaman yong tilapia ng tinadtad na kamatis,bawang,sibuyas at luya saka ko babalutin ng pechay at sasapinan ko yong lutuan ng tanglad bago ko pakukuluan sa gata.

o kaya;

2. ipapaksiw ko muna yong tilapia sa purong suka na may sapin na luya,sibuyas at bawang at patutuyuin ng husto yong suka at pag medyo naaamoy ng sunog yong mga nakasapin saka ko ibubuhos yong gata.
Dennis said…
Thanks anonymous...to be honest with you first time kong nag-luto ng ganito. Pero OK naman din ang kinalabasan...nagustuhan nga ng mga anak ko. I-try ko din itong paraan mo ng pagluluto....mukhang masarap eh...hehehehe....thanks again.

Dennis
Cool Fern said…
sorry,dennis, i can't say something about this kasi i don't like eating tilapia fish..kasi naman nong hi school ako ---first time kung tumikim eh lasang putik..kasi hindi pa hi-tech ang pag alaga ng tilapia noong araw...ngayon ok na..naka net na ang mga tilapia..pero because of that experience ,medyo umiwas na ako from eating it...but i remember a friend cooking tilapia with black beans parang adobo style
Dennis said…
Hehehe....ganun siguro talaga basta may naging exeprience ka na di kanais-nais...hehehehe. Kung baga na-trauma ka...hehehehe.

Dito kasi sa Pilipinas ang tilapia ang isa sa pinaka-murang isda na mabibili mo sa palengke. So sa hirap talaga ng buhay ngayon, kung ano ang mura yun na muna. hehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy