Ginisang Munggo at Pritong Isda



Hello! Pangkaraniwang pagkain ang ginisang munggo at pritong isda sa ating mga Pilipino lalo na pag nalalapit na ang mahal na araw. Ewan ko, pero natatandaan ko nung bata pa kami, kapag Biyernes, asahan mo na gulay at isda ang ulam.....hehehehehe.

Last Friday,ito nga ang naisip kong ulam namin for dinner. Nag-enjoy ako sa pagkain lalo na sa ginisang munggo. Sabi ko nga, sa mga simpleng pagkain katulad nito, hindi naman kailangang i-sacrifice natin ang sarap para i-enjoy ang pagkain.

Isa pa, dapat ang isasahog ko sa ginisang munggo ay tinapang isda. Komo nagmamadali na ako pauwi ng bahay, nakalimutan kong bumili ng tinapa. Buti na lang at may nakita pa akong kaunting bacon sa refrigerator at yun nga ang sinahog ko dito. And promise, masarap ang kinalabasan nito.


GINISANG MUNGGO at PRITONG ISDA

Mga sangkap:

1 kilo Isda (Talakitok ang ginamit ko dito)

Olive oil or butter

salt and pepper

Maggie magic sarap

250 grams. munggo

dahon ng ampalaya

250 grams. bacon

1/2 cloves garlic

1 medium onion

2 medium tomato

2 chili finger o yung sili na pang sigang

2 knorr pork cubes

salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang isda sa asin, paminta at maggie magic sarap (Hayaan muna ng mga 15 minuto bago i-prito)

2. I-prito sa olive oil o butter. Hanguin sa isang lalagyan

3. Pakuluan o ilaga ang munggo hanggang sa madurog

4. Sa isang kawali na may kaunting mantika o butter, i-prito ang bacon. Itabi sa gilid ng kawali.

5. Igisa ang bawang sibuyas at kamatis. Haluin

6. Isalin ang ginisang sangkap sa nilagang munggo. Hayaang kumulo

7. Ilagay ang knorr pork cubes at chili finger

8. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa

9. Ilagay ang dahon ng amplaya.

10. Ihain habang mainit.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
this is my favorite....
sometimes i use dried fish and then with coconut milk..soooo sarap...
Dennis said…
Dried fish as in tuyo and coconut milk in ginisang munggo? Bago yun ah.....sige nga subukan ko minsan.

Dennis
Cool Fern said…
ha?yan ang uso sa amin sa southern mindanao..tuyo na yong lapu-lapu?yan ang sahog namin sa monggo with gata(coco milk)and then malunggay leaves or kangkong leaves or camote tops kung walang dahon ng ampalaya...wag mo ng dagdagan ng maraming salt kasi maalat na ang dried fish...
Cool Fern said…
may nakita ako sa umagang kay ganda na ang sahog sa monggo is bulalo..isang resto sa manila..nakita mo ba yon?si winnie ang nag interview...try mo rin 'to kasi parang masarap din..i am sure masarap kasi bulalo ang sahog...
Dennis said…
I-try ko nga itong sinasabi mong ginisang monggo na may gata ng niyog at tuyo. Sabagay....anong hindi masarap kapag nilagyan mo ito ng gata ng niyog? hehehehe

Bulalo ang sahog? ano yun yung buto-buto? Siguro ang nagpasarap ay yung sabaw o katas ng buto-buto....hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy