Sinigang na Blue Marlin sa Miso
Hindi ako masyadong mahilig sa mga lutuing isda na may sabaw. Sa akin basta isda, prito at ginisang gulay ayos na. Last night, dapat nga pritong isda at gulay ang ulam namin. Kaya lang may nakita akong blue marlin sa farmers market sa cubao at naisip ko na bakit hindi ko na lang ito isigang para mas madali ang pagluluto. So yun nga, naisip kong isigang ang isdand ito sa miso. And you know what? Na-inlove ako agad sa lutong ito...hehehehe
SINIGANG NA BLUE MARLIN SA MISO
Mga Sangkap:
1 kilo Blue Marlin (pwede din tuna o tanigue)
Kangkong
Labanos
Sitaw
3 pcs. siling pangsigang
Miso (sabihin sa palengke pang isang lutuan lang)
1 small pack Knorr Sinigang Mix
2 kamatis
1/2 cloves garlic
1 large onion (yung red mas mainam)
maggie magic sarap
salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain muna ang lahat ng sangkap na kailangan
2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at miso
3. Lagyan ng tubig at hayaang kumulo.
4. Ilagay ang sitaw at labanos. Takpan muli hanggan sa malapit ng maluto ang gulay.
5. Ilagay na ang isda at siling pangsigang
6. Timplahan ng asin o patis at knorr sinigang mix ayon sa inyong panlasa
7. Ihain habang mainit
Masarap iulam ito na may kasamang patis at pinisang siling pangsigang.
Enjoy!
Comments
kaya lang hindi ko alam gumamit ng miso..
sa amin kasi is lemon grass, tinolang isda naman ang tawag
Hindi ko alam kung ano ang ibang tawag sa miso. Pero may nabibili na na instant sinigang sa miso na powder. pareho lang ang lasa. Di ko alam kung knorr yun o maggie.
Yah....nakatikim na din ako ng ganun. Yung parang sinigang na may lemon grass. Yun ang gusto kong gawin next. Abangan...hehehehe
Dennis