Thai Chicken Basil


Hello! I have a kilo of chicken drumstick sa bahay at ilang araw nang di matuloy-tuloy na iluto. Papano kasi wala akong maisip na luto bukod sa prito o kaya naman tinola. Para namang pangkaraniwan kung ganitong luto parin ang gagawin ko.

So I decided to surf in the net to look for a recipe for the chicken. At eto nga, napunta ako sa isang food blog na nag-po-promote ng mga thai sauces. Doon ko nakita ang recipe na ito. Although, hindi ko sinunod ang iba na nakalagay sa recipe at yung sauce na sinasabi na kailangan, masarap pa rin ang kinalabasan ng luto kong ito.


THAI CHICKEN BASIL

Mga sangkap:

1 kilo chicken drumstick (Pwede din kahit na anong part ng manok)

1 bunch of fresh basil leaves chopped

1 cloves garlic

1 large onion

salt and pepper

Maggie magic sarap (optional)

1 cup water

2 tbsp oyster sauce

2 tbsp dark soy sauce

2 tbsp fish sauce or patis

1 tbsp sugar

1 tbsp cornstarch

carrots and onion leaves for garnish (Hiwain ng pahaba sinlaki ng palito ng posporo)

Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang manok hanggang sa medyo pumula ang balat.

2. Igisa ang bawang at sibuyas at ilagay ang piniritong manok. Lagyan ng kaunting tubig, timplahan ng kaunting asin at paminta, takpan at hayaang maluto.

3. Paghaluin ang 1 cup water, oyster sauce, patis, toyo at asukal sa isang lalagyan.

4. Kung luto na ang manok, ilagay na ang ginayat na basil leaves, kalhati ng carrots at onion leaves...halu-haluin.

5. Ilagay ang pinaghalong mga sauce sa manok at halu-haluin.

6. Timplahan ng asin paminta at asukal ayon sa inyong panlasa

7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

8. Hanguin at ilagay ang ginayat na carrots at onion leaves sa ibabaw.

Enjoy!


Note:

Sa original recipe, bukod nga sa ginamit na thai sauces, nilagyan din nila ng chili sauce or fresh na chili. Hindi ko na nilagyan nito kasi nga may mga kids na kakain.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy