Turbo Broiled Liempo with Rosemary
Lately lang ako natutong gumamit ng mga herbs and spices sa pagluluto. At napatunayan ko na iba talaga ang nagagawa nito sa lasa ng lutuin. Alam ko lang kasi basa igisa yun at timplahan ng asin at paminta, okay na yun. Hindi pala. Nagiging espesyal ang mga pagkain kung mas napapasarap mo ito ng mga herbs and spices na mga ito.
Isa na dito ang rosemary and ofcourse ang love na love ko na sweet basil. It's always a hit pag may ganito ang mga niluluto ko.
Kagaya last Tuesday, nagluto ako ng Turbo broiled liempo. Sa halip na yung dating recipe ang ginamit ko, gumamit ako ako ng rosemary. Masarap at kakaiba ang naging lasa ng karne at nagustuhan talaga ng pamilya ko ito.
TURBO BROILED LIEMPO WITH ROSEMARY
Mga Sangkap:
1 to 1 1/2 kilo Pork Liempo (Piliin yung hindi masyadong makapal ang taba)
2 tbsp McCormic Rosemary
3 tbsp salt
1 tsp pepper
1 sachet maggie magic sarap
Para sa sawsawan:
1/2 cup vinegar
1/2 cup soy sauce
juice from 6 pcs. calamansi
1 tsp sugar
1 small onion
Paraan ng pagluluto:
1. Pag haluin ang asin, paminta, rosemary at maggie magic sarap
2. Hiwaan ng pahaba ng karne sa laman nito hanggang sa may taba
3. Ikiskis o imasahe ang mga pinaghalong sangkap sa karne ng baboy
4. Hayaan muna ng mga 1 oras bago lutuin. Kung overnight ang marinade mas mainam
5. Lutuin sa turbo broiler o sa oven na may init na 350 degrees hanggang maluto
6. Maaring pahiran ng tubig ang balat from time to time para lumutong ang balat.
7. Hanguin at ihain na may kasamang pinaghalong suka, toyo, calamansi juice, ginayat na sibuyas at asukal. Maari ding lagyan ng siling labuyo kung gusto ninyo na mas maanghang.
Enjoy!!!!
Comments
sa amin naman is grilled tiyan ng baboy...
with the sawsawan...haaaayyyyy.kakagutom talaga
Dennis
I like May Bukas Pa...bukod sa cute na si Santino, ang daming moral lessons at values na itinuturo at madalas nakakalimutan na nating mga Pilipino. Mga pangyayari na nangyayari sa atin sa araw-araw.
Bro. Dennis ....hehehehe