Turbo Broiled Liempo with Rosemary


Lately lang ako natutong gumamit ng mga herbs and spices sa pagluluto. At napatunayan ko na iba talaga ang nagagawa nito sa lasa ng lutuin. Alam ko lang kasi basa igisa yun at timplahan ng asin at paminta, okay na yun. Hindi pala. Nagiging espesyal ang mga pagkain kung mas napapasarap mo ito ng mga herbs and spices na mga ito.

Isa na dito ang rosemary and ofcourse ang love na love ko na sweet basil. It's always a hit pag may ganito ang mga niluluto ko.

Kagaya last Tuesday, nagluto ako ng Turbo broiled liempo. Sa halip na yung dating recipe ang ginamit ko, gumamit ako ako ng rosemary. Masarap at kakaiba ang naging lasa ng karne at nagustuhan talaga ng pamilya ko ito.


TURBO BROILED LIEMPO WITH ROSEMARY

Mga Sangkap:

1 to 1 1/2 kilo Pork Liempo (Piliin yung hindi masyadong makapal ang taba)

2 tbsp McCormic Rosemary

3 tbsp salt

1 tsp pepper

1 sachet maggie magic sarap


Para sa sawsawan:

1/2 cup vinegar

1/2 cup soy sauce

juice from 6 pcs. calamansi

1 tsp sugar

1 small onion


Paraan ng pagluluto:

1. Pag haluin ang asin, paminta, rosemary at maggie magic sarap

2. Hiwaan ng pahaba ng karne sa laman nito hanggang sa may taba

3. Ikiskis o imasahe ang mga pinaghalong sangkap sa karne ng baboy

4. Hayaan muna ng mga 1 oras bago lutuin. Kung overnight ang marinade mas mainam

5. Lutuin sa turbo broiler o sa oven na may init na 350 degrees hanggang maluto

6. Maaring pahiran ng tubig ang balat from time to time para lumutong ang balat.

7. Hanguin at ihain na may kasamang pinaghalong suka, toyo, calamansi juice, ginayat na sibuyas at asukal. Maari ding lagyan ng siling labuyo kung gusto ninyo na mas maanghang.


Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
sarap nito...comfort food talaga 'to..
sa amin naman is grilled tiyan ng baboy...
with the sawsawan...haaaayyyyy.kakagutom talaga
Dennis said…
Sinabi mo....basta ma-marinade lang then pasok sa oven or turbo broiler ayos na....pwede ka ng manood ng May Bukas Pa.....hehehehe

Dennis
Cool Fern said…
i watch tayong dalawa..hahahaha
Dennis said…
Hahahaha....maganda din yun. Yun lang masyadong late na d2 pinapalabas...Hanggang betty la fea lang ako...hehehehe.

I like May Bukas Pa...bukod sa cute na si Santino, ang daming moral lessons at values na itinuturo at madalas nakakalimutan na nating mga Pilipino. Mga pangyayari na nangyayari sa atin sa araw-araw.

Bro. Dennis ....hehehehe
moonshiner said…
Dennis may atraso ka sa akin, ang tagal-tagal ko nang hindi nagtuturbo ng liempo, pero nung mabasa ko ang blog mo ay bigla kong hinagilap yung turbo/convection oven namin at nagturbo ako ng liempo at kaunting manok...da best

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy