Beef Steak o Bistek Tagalog
Pasensya na kung medyo madalang ang posting ko ng mga bago kong lutuin. Wala kasi sa bahay ang mga anak ko. Nasa probinsya sila at doon nagbabakasyon. So dalawa lang kaming mag-asawa sa bahay at madalas bumibili na lang kami ng lutong ulam for dinner.
Pero isang araw, ni-request ng asawa ko na magluto ng beef steak. So eto na nga ang kinalabasan. Sa sobrang mahal ng beef dinagdagan ko na lang ng patatas as extender. Masarap naman talaga ang kinalabasan.
BEEF STEAK O BISTEK TAGALOG
Mga Sangkap:
1/2 kilo Beef tenderloin (Hiwain ng manipis)
Juice from 8 pcs. calamansi
1 large potato
1/2 cup soy sauce
1 medium onion
1/2 cloves garlic
salt and pepper
Maggie magic Sarap
1 tbsp. cornstarch
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang beef sa asin at paminta. Hayaan ng mga ilang minuto
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang beef hanggang sa pumula ng kaunti ang mga gilid nito. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay ang piniritong beef. Lagyan ng toyo at tubig. Hayaan kumulo hanggang sa lumambot. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5. Kung malambot na ang karne, ilagay ang patatas at calamansi juice. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap kung kinakailangan.
6. Kung luto na ang patatas, lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng onion rings sa ibabaw.
Ihain habang mainit.
Comments
Dennis
Dennis
ump!
paborito ko kasi yong beef steak:)
minsan lang kasi yan niluluto ni papa kc aalam nyo naman ang mahal ng bilihin ngayon..
taga kalibo, aklan po ako.. 20 years old..
gusto ko talaga na magluto ng ganyan.. tinitingnan ko naman kung pano magluto ung papa ko eh.. kasi maraming thanks kasi nakita ko ung blog mo na to at yun nga kinapy ko na lang ung mga ingredients at baka sakaling matutunan kong lutuin..:)
salamat po.. sa picture pa lang mukhang masarap na!
yummm!
Ang bistek siguro ang isa sa pinakamadaling lutuin na pagkain. basta lagyan mo lang ng toyo at calamansi ang sliced beef..presto may bistek ka na. Pero ang sikreto sa masarap na bistek ay ang tamang dami ng toyo at calamansi na ilalagay mo. It's for you to find out.
Dennis