Broiled Liempo version 2
Isa na namang version ng Turbo Broiled na Liempo ang recipe natin for today. Actually ang gusto ko talagang kainin ay inihaw na liempo, kaso nga wala namang place na pwede akong mag-ihaw...di ba nga sa condo kami nakatira? So, sa halip na ihawin ang liempo, sa turbo broiler ko na lang ito niluto. Okay din naman ang kinalabasan, yun lang, iba talaga kung ihaw sa baga. Isa pa, may ilang twist akong ginawa not like yung pangkaraniwang ginagawa natin. So eto na......
BROILED LIEMPO version 2
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (Yung manipis lang ang taba)
1/2 cup patis
Juice from 10 pcs. calamansi
paminta
1 tbsp. rosemary
1 cloves minced garlic
1 small sachet maggie magic sarap (optional)
2 tbsp. Knorr liquid seasoning (optional)
Paraan ng Pagluluto:
1. Hiwain ang liempo ng mga 1/2 inch na kapal. Or maaring pahiwa nyo na sa palengke sabihin nyo pang ihaw.
2. I-marinade ito sa patis, calamansi juice, bawang, paminta, rosemary at magie magic sarap.
3. I-babad ito ng mga 3 oras bago lutuin o mas mainam kung overnight.
4. Isalang ang liempo sa turbo broiler na may init na 350 degrees.
5. Kung malapit ng maluto, pahiran ng Knorr liquid seasoning ang karne.
6. Ihain habang mainit na may sawsawang pinaghalong calamansi juice, suka, asin, paminta, sibuyas at konting asukal.
Masarap kung may kasama pang acharang papaya o kaya naman pinakbet. Masarap din ang enseladang talong.
Wow...tiyak na bundat na naman ang kain natin...hehehehe.
Comments
I hope one day matupad ito. wish me luck my friend.
Dennis