Family Reunion sa Ilog
Mga kalalakihan habang nagluluto ng pagkain na pagsasaluhan. Tingnan nyo yung mesa nakababad sa tubig ng ilog.
Sa itaas, ang asawa kong si Jolly enjoying the food. Ang mga ulam pala ay pochero, adobo, pinalabuan (diuguan ito dito sa manila), afritada, pancit miki at lechong baboy. Sa panghimagas naman ay ibat-ibang klase ng chocolate, pastillas, fruit cocktail, fresh buco juice at sagot gulaman. Syempre mawawala ba sa ganitong okasyon ang inuman....hehehehe. Nlasing nga ako....hehehe
Ang mga anak kong si Jake at Anton enjoying the water.
Ofcourse mawawala ba ang palaro. Pag na-hit mo ang palayok P500 ang premyo. Meron ding pabilisang uminom ng softdrinks at palo sebo.
My son James. Enjoy na enjoy siya sa tubig. Malamig kasi.
Syempre ako....hehehe....pero ako ang dakilang bantay ng mga bata that time. Halata ba na namumula ako? lasing na ako niyan.....heheheheh.
Ang pangulo pala ng reunion ay si Kuya Julius na pinsan ng asawa ko.
Comments