Fish Fillet and Tofu in Sweet and Sour Sauce



Pasensiya na kayo sa picture na nagamit ko. Di kasi sinasadya nabura ko yung magandang kuha na picture. Kaya eto, buti na lang at may natira pang konti, ayun nakuhanan ko din ng picture.

Medyo mahal ang isda ngayon. Kasi nga Mahal na Araw. Marami pa rin sa atin ang nangingilin sa pag-kain ng karne. Sabagay, minsan lang naman ito sa isang taon kaya mainam sumunod din tayo. At isa pa healthy naman ang pagkain ng isda at gulay di ba.

Matagal ko nang binabalak na magluto ng Isda na may sweet and sour sauce. Si Cool Fern nga na isa sa aking mga taga-subaybay nagpadala pa sa akin ng recipe niya. Kaso ang mahal ng isda nga ngayon lalo na ang lapu-lapu. Kaya eto, yung fillet na lang ang ginamit ko. Komo nga may kamahalan, dinagdagan ko na lang ng extender na tofu. At masarap talaga ang kinalabasan. Try nyo ito, ayos na ayos sa mahal na araw.


FISH FILLET AND TOFU IN SWEET AND SOUR SAUCE


Mga Sangkap:

1/2 kilo Fish Fillet (Cream of dory ang ginamit ko. Pwede din ang Tuna, lapu-lapu or any white meat fish) hiwain ng pahaba

4 pcs. tofu or tokwa - Hiwain ng pa-cube or bite size

1 carrots

1 red bell pepper

onion leaves

ginger o luya

1 egg

1 cup all purpose flour

Juice from 6 pcs. calamansi

1/2 cloves garlic

1 medium size onion

1/2 cup butter

salt and pepper

1/2 cup Del Monte Sweet blend tomato catsup

maggie magic sarap

1 tbsp. cornstarch

sugar

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang fish fillet sa asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap (Mas mainam kung matagal ito ibababad)

2. Alisin ang isda sa pinagbabadan at ilagyan ang binating itlog. Halu-haluin sa pamamagitan ng kamay.

3. Ilagay ito sa isang malaking plastic at lagyan ng harina. Alug-alugin ito hanggan sa kumapit ang harina sa isda.

4. I-prito ito sa mainit na mantika. Mas mainam kung lubog sa mantika ang ipi-prito.

5. Hanguin at ilagay sa isang lalagyan.

6. Sa parehong kawali, i-prito din ang tokwa o tofu, hanguin sa pinaglagyan ng fish fillet

7. Sa isang sauce pan o kawali, igisa sa butter ang luya, bawang at sibuyas.

8. Sunod na ilagay ang carrots, halu-haluin, at isunod ang red bell pepper

9. Ilagay ang tomato catsup. halu-haluin

10. Timplahan ng asin, paminta at asukal kung kinakailangan.

11. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at onion leaves. halu-haluin.

12. Hanguin at ibuhos sa ibabaw ng piniritong fish fillet at tokwa.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
tenks for mentioning my name sa blog mo...
sarap talaga nito
Dennis said…
Noon ko pa pinaplano na magluto nga ng sweet and sour kaso ang mahal ng lapu-lapu. Kaya eto fish fillet na lang....hehehehe. Dedicated para sa iyo ang posting na ito.

Dennis
Cool Fern said…
thank you so much

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy