JR's Graduation Party

Last April 6, nag-graduate ang anak ng kapitbahay kong si Ate Joy na si JR. Nag-dadalawang isip siya kung sa labas na lang sila magpapakain o maghahanda na lang sa bahay. Sabi ko lang kung sa labas medyo malaki ang magagastos. Kung sa bahay naman, mas mura nga yun lang medyo nakakapagod. Ang naging desisyon ay sa bahay na lang.

Ni request ni Ate Joy na ipagluto ko sila ng handa at eto nga ang ise-share ko sa inyo. 4 na klase ang niluto yung iba naman pinaluto niya sa kaibigan niya.


Ang paborito ni Ate Joy, Pork Hamonado. Talagang nag-tabi siya nito. Baka daw maubos e hindi siya makatikim. hehehehehe



Ito naman ay Pancit na sotanghon na may hinimay na manok at atay. Baguio beans lang at chicharo ang gulay nito.




Syempre mawawala ba ang Pasta with bacon and pesto.



At ang all time favorite namin ang Anton's Chicken.

Natutuwa naman ako at nagustuhan ng mga bisita ang mga niluto ko. Binibiro nga nila ako na bakit hindi na lang daw ako mag-catering. Sabi ko naman, darating tayo dyan. For the mean time tumatanggap lang ako ng order....hehehehehe.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy