Kalabasa at Baguio Beans sa Butter
During the Holy Week syempre medyo bawas muna tayo sa pagkain ng karne. Kaya naman kung hindi isda ang ulam ay gulay. Komo nga nag-uubos kami ng laman ng fridge that time kaya eto na create ang recipe na ito.
Sa kalabasa alam natin na masarap ito sa pinakbet o kaya naman ay ginataan na may kasamang sitaw. Hindi ko alam na pwede din pala ito kasama ng baguio beans. Ulam namin that time ay pritong daing na bangus. So nag-iisip ako kung soup o gulay ang ite-terno ko dito. At ayun nga, bakit kako hindi ko subukan na paghaluin ang kalabasa sa baguio beans. At ang dagdag ko pa dito ay ang paburito kong sangkap, ang maggie magic sarap. Magic talaga ang kinalabasan ng baguio beans ko at kalabasa.
KALABASA AT BAGUIO BEANS SA BUTTER
Mga sangkap:
1/4 kilo kalabasa cut into cubes
100 grams. baguio beans
1/3 cup butter
1 sachet 8 gram maggie magic sarap
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang butter. Hayaang matunaw
2. Ilagay ang kalabasa at baguio beans. halu-haluin
3. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap
4. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa maluto.
Ihain kasama ng pritong isda o karne.
Enjoy!!!
Comments