Pancit Sotanghon
Sa last post ko, itong Pancit Sotanghon lang ang wala pang recipe sa archive. Kaya eto ang entry ko for today. Actually madali lang ito, just like any pancit recipe pare-pareho lang naman ang paraan ng pagluluto nito. May mga ilang tips na lang ako ng idadagdag para naman mas lalong sumarap at maging mas madali ang pagluluto natin.
PANCIT SOTANGHON
Mga Sangkap:
1 kilo Sotanghon noodles (Ibabad sa tubig)
1/2 kilo Chicken Breast
1/4 kilo Chicken Liver (Hiwain sa tamang laki)
250 grams Chicharo
250 grams Baguio beans (Hiwain ng mga isang pulgada pahalang)
1 large onion
1 cloves minced garlic
salt and pepper
1 Knorr Chicken Cube
Maggie Magic Sarap
Achuete (ibabad sa 1/2 cup water)
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan hanggang sa maluto ang chicken breast. Hanguin at palamigin sa isang lalagyan at saka himayin. Itabi ang pinagpakuluan ng manok or the chicken broth.
2. Sa isang malaking kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
3. Ilagay ang hinimay na manok at hiniwang atay. Halu-haluin
3. Ilagay ang hinimay na manok at hiniwang atay. Halu-haluin
4. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
5. Kung medyo luto na ang gulay, hanguin ang kalhati nito at ilagas sa isang lalagyan.
6. Ilagay ang chicken broth o ang pinagpakuluan ng manok sa ginisang sangkap. Hintaying kumulo
7. Ilagay ay Knorr chicken cube.
8. Timplahan muli ng asin, paminta at maggie magic sarap ayos sa inyong panlasa
9. Ilagay ang binabad na sotanghon noodles at katas ng achuete seeds.
10. Tantiyahin ang dami ng sabaw. Maari itong bawasan kung kina kailangan para hindi lumabsa ang noodles.
11. Haluin ng haluin hanggang sa maging equally distributed ang mga sahog.
12. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang unang hinangong sahog.
Ihain habang mainit.
Note: Kung hindi binabad ang noodles sa tubig, damihan ang sabaw. Sisipsipin kasi ng noodles ang habang niluluto. Kung hindi naman okay na yung kaunti. Adjust na lang kung kinakailangan.
Also, maari ding lahukan pa ng iba pang klase ng gulay like carrots, celery or kinchay. Nasa sa inyo na yun. Sabi ko nga, wala namang exact sa recipe sa mga lutuin.
Enjoy!
Comments
Dennis