Pinakbet at Pritong Dalagang Bukid


Alam ko marami sa inyo na alam na kung papaano magluto ng Pinakbet. Pero marami sa atin ang hindi alam kung papaano mapapasarap pa ang pagluluto nito. Tatlong tip ang maari kong ibigay...pwede pa ngang apat. Hehehehehe. Ang una, dapat sariwa ang mga gulay na gagamitin. Pag sariwa kasi, manamis-namis ang lasa ng gulay. Pangalawa, ang bagoong alamang na gagamitin. Mas mainam na matikman muna ang bagoong na gagamitin. Meron kasi masyadong maalat....yung iba naman walang lasa. Ang kailangan ay yung tamang-tama lang ang alat at tamis. Pangatlo, pakuluan muna ang baboy na isasahog hanggang sa mag-mantika ito at dito na rin gisahin ang bawang at sibuyas. Bonus, pang-apat. Gumamit ng Maggie magic Sarap. Naipaliwanag ko na kung bakit di ba? hehehehehe



At siyempre, masarap ang pinakbet kung may kasamang piniritong isda. Todo na to! hehehe


PINAKBET AT PRITONG DALAGANG BUKID


Mga Sangkap:

1. Mga gulay na: sitaw, kalabasa, talong, ampalaya, at okra. Kayo na ang bahala kung gaanong kadami ang gusto ninyong lutuin

2. Bagoong alamang. Mas mainam kung yung guisado na

3. Pork Liempo

4. 1 cloves garlic

5. 1 large size onion

6. 1 large tomato

7. Maggie Magic Sarap


Paraan ng Pagluluto:

1. Hiwain ang liempo ng pa-cube.

2. Ilagay sa isang kaserola, lagyan ng tubig at asin, hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

3. Hayaan lamang hanggang sa matuyo ang sabaw at magmantika ang karne.

4. Kung mapula-pula na ang karne, maari ng igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.

5. Ilagay ang lahat ng gulay maliban sa talong. Ilagay na din ang bagoong

6. Makaraan ang ilang minuto, ilagay na ang talong

7. Timplahan ng Maggie Magic sarap ayon sa inyong panlasa.

8. Para sa isda, lagyan ito ng asin at maggie magic sarap. hayaan muna ng ilang minuto

9. I-prito sa mainit na mantika

Ihain ang pinakbet at pritong isda habang mainit

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
love this pinakbet of yours...
Dennis said…
Thanks....actually di ako satisfied dun sa kinalabasan niyan... di kasi masarap yung bagoong na nagamit ko. Sabi ko nga di ba? nasa bagoong ang ikasasarap ng lutuing ito....although yung kapatid ng asawa ko na balikbayan nagustuhan naman...hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy