Pork Liempo & Chicharo in Oyster Sauce
Mula nung matutunan ko ang pag-gamit ng Oyster Sauce, marami-rami na ring recipe ang nagawa ko at tunay namang masarap at kakaiba kumpara sa mga ordinaryong lutuin. Ang inam sa sauce na ito, pwede mo itong gamitin sa kahit anong klase ng pagkain. Mapa baboy, manok, baka, gulay o isda man, napapasarap talaga ang lutuin. Kahit nga sa mga pancit or fried noodles masarap talaga ito.
Kagaya nitong recipe natin para sa araw na ito. Pork Liempo & Chicharo in Oyster Sauce. Para ka na ring kumain sa isang Chinese Restaurant sa sarap at lasa ng lutuing ito. Kayat simulan na natin.
PORK LIEMPO & CHICHARO IN OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Liempo cut into cubes
250 grams chicharo
1/2 cup oyster sauce
1/2 cup dark soy sauce
1 cloves garlic
1 medium onion
2 tbsp. sugar
salt and pepper
1/2 cup of cooking oil
1 tbsp. cornstarch
Maggie Magic Sarap
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang baboy sa asin, paminta at Maggie magic Sarap. Hayaan ng mga ilang minuto
2. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne hanggang sa lumambot
3. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas
4. Ilagay ang pinalambot na liempo. Halu-haluin
5. Ilagay ang toyo at oyster sauce. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.
6. Hayaang kumulo. Maaring lagyan ng pinaglagaan ng karne kung kinakailangan.
7. Ilagay ang chicharo at asukal . Halu-haluin. Huwag i-overcooked
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
Ihain habang mainit.
Note: Masarap itong kainin sa kinabukasan. Mas nasisipsip kasi ng karne ang mga sauces kapag tumatagal pa ito. Para ding adobo di ba?
Enjoy!
Comments
Dennis