Prawns in Chili Garlic and Oyster Sauce
Isa na namang putahe na may Oyster Sauce ang entry natin para sa araw na ito. Ganito ka-flexible ang sauce na ito. Sa baboy man, o baka, manok man o gulay....at maging sa mga seafoods, panalo pag niluto mo ito sa oyster sauce. Kung baga, makakabuo ka ng isang cook book ng mga lutuin na may oyster sauce.
PRAWNS IN CHILI GARLIC AND OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Prawn o Sugpo (Alisin yung balbas)
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Lee Kum Kee Chili Garlic Sauce
1 thumb size minced ginger
1 cloves minced garlic
1 medium onion sliced
salt ang pepper
1 tbsp. cornstach
1 tsp. sugar
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin ng mga 1 minuto
2. Ilagay ang sugpo. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin
3. Ilagay ang chili garlic sauce. Halu-haluin
4. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa pumula na ang shell ng sugpo
5. Ilagay na ang oyster sauce, asukal at tinunaw na cornstarch.
6. Tikman. Lagyan pa ng asin, paminta at asukal kung kinakailangan.
Ihain habang mainit.
Enjoy!!!
Comments
lahat yata ng luto mo eh masarap..
keep it up..
more power..
and looking forward to meeting you in person...
Dennis