Seafoods Pasta
Ang entry natin para sa araw na ito ay masasabing kong experimental. Wala akong pinagkopyahan na recipe. Basta ang ginawa ko lang, sinunod ko yung basic principle sa pagluluto at ang mga sangkap sa lutuing may pasta.
SEAFOODS PASTA
Mga Sangkap:
250 grams Spaghetti Pasta
250 grams sugpo o hipon (alisin ang shell)
150 grams laman tahong
1/2 cup cheese
1 tbsp minced garlic
1 medium onion
salt and pepper
1 tbsp. butter
1 tsp. dried basil
3 tbsp. olive oil
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ng pasta ayon sa tamang pamamaraan. I-drain at ilagay sa iang lalagyan
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter
3. Ilagay ang sugpo at laman ng tahong. Halu-haluin
4. Timplahan ng asin at paminta
5. Ilagay ang pasta...isunod ang dried basil, olive oil at cheese. Halu-haluin hanggang kumalat ang sangkap sa pasta.
6. Hanguin sa isang lalagyan.
Masarap kainin ito kasama ang toasted garlic bread.
Enjoy!
Comments
lam mo bang ang tawag nito sa italian restaurant na olive garden sa california?it is named seafood alfredo..instead of butter eh cream yata ang nilalagay nila..kasi creamy ang seafood alfredo..bye and see you when i get there..baka may 6-9 anjan ako
Dennis