Squid in Oyster Sauce
I'm Back! Maligayang pasko ng Pagkabuhay sa lahat! I hope nag-enjoy and at the same time nakapagnilay nawa tayo sa nakaraang Mahal na Araw. Sa mga susunod na entry ko na ipo-post yung bakasyon na nangyari sa amin...madami akong kwento sa inyo...hehehehe.
Balik muna tayo sa recipe natin for today. Squid in Oyster Sauce. Ano ang hindi magiging masarap basta nilagyan natin ng oyster sauce? Sa palagay ko ay wala. But ofcourse nasa timpla din yan at sa paghalo-halo ng mga sangkap. Sa recipe natin ngayon nilagyan ko ng kaunting twist para mas lalong sumarap. So lets start....
SQUID IN OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Squid/pusit
a bunch of kinchay or cilantro ba yun
1/2 cup oyster sauce
1 thumb size ginger
1 tbsp minced garlic
1 medium onions
4 tangkay ng lemon grass o tanglad (yung lower white portion)
salt and pepper
Maggie magic Sarap (Optional)
cooking oil
Paraan ng Pagluluto:
1. Linising mabuti ang pusit. Alisin ang parang plastic na bahagi sa loob ng katawan.
2. Igisa ang luya, bawang, sibuyas at tanglad sa kaunting mantika. Gawin ito ayon sa pagkakasunod-sunod.
3. Ilagay ang pusit at oyster sauce
4. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
5. Huwag i-over cooked ang pusit. Kung sa tingin nyo ay luto na, ilagay ito sa isang lalagyan.
6. Gayatin ang kinchay o cilantro at ilagay sa ibabaw ng pusit.
7. Ihain habang mainit.
Enjoy!!!
Comments