Sweet and Sour Fish



Last Good Friday, ni-request ng bayaw kong si Kuya Alex na ipagluto ko soya ng isda na may sweet and sour sauce. Kagagaling lang kasi niya ng Romblon nun at nakabili siya ng malaking isda. Hindi ko alam kung ano pangalan nun. Pero para siyang lapu-lapu at masarap ang laman niya.

This entry was also dedicated to my friend Cool Fern. Sabi ko sa kanya basta nagkaroon ng pagkakataon, magluluto ako ng Sweet and Sour na fish at ide-dedicate ko sa kanya. Cool Fern para sa iyo ito. Don't forget to check the last picture. Sinadya ko talaga yun para sa iyo. Hehehehe.


SWEET AND SOUR FISH

Mga Sangkap:

2 to 3 kilo Isda (Lapu-lapu o kahit anong malaking isda)

1 large carrots

1 large red bell pepper

1 large green bell pepper

1/2 cup ginger

(all the above vegetables cut into strip)

1 cloves garlic

1 large onion

3 stalks white or lower portion of lemon grass or tanglad cut into small part

1/2 cup butter

1 cup del monte tomato catsup

3 tbsp. cornstarch

salt and pepper

brown sugar

maggie magic sarap

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang isda sa asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 1 oras bago lutuin.

2. I-prito ito sa kumukulong mantika. Ilagay sa isang lalagyan.

3. Sa isang sauce pan o kawali ilagay ang butter.

4. Igisa ang luya, bawang, sibuyas. halu-haluin

5. Isunod ang carrots, red and green bell pepper. Halu-haluin

6. Ilagay ang tomato catsup, kaunting tubig.

7. Ilagay na rin ang tinunaw na cornstarch

8. Timplahan ng asin, paminta at brown sugar. Ang tamang lasa nito ay yung naglalaban ang asim at tamis.

9. Lagyan ng tubig kung kailangang i-adjust ang lapot ng sauce. huwag i-overcooked ang mga gulay.

10. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong isda.


Ihain habang mainit.

Enjoy!!!!


Eto ang surprise ko kay Cool Fern. A picture na kinunan ko sa ilog sa likod bahay ng biyenan ko sa Batangas. Dito din kami nag-picnic nung Sabado De Gloria. Abangan nyo ang post ko sa picnic namin sa ilog na ito.



Comments

Cool Fern said…
tenks talaga ha?
i was really laughing while i was reading your post..
nakakataba ng puso..
salamat sa pag dedicate mo sa lutong 'to..
lam mo bang andito ako sa pinas ngayon..
wish kitakits tayo para mas lalong masaya ang buhay...
Cool Fern said…
i might go to manila this end of april..kita kits tayo..email mo sa akin ang fon mo para matawagan kita kung anjan na ako sa manila..
sa may bandang NAIA ako tumutuloy pag anjan ako..
malapit ba yan sa tinitirhan mo?kung malayo naman kita tayo halfway...tenks sa pix ng fern...cool na cool siya talaga
Dennis said…
Really!!! Nakakatuwa naman....hehehehe.....Saan ka pala dito sa Pilipinas? My number is 0906-589-80-56. Ok lang ba kung sa Makati tayo mag-meet?


Dennis
Cool Fern said…
k lang sige i'll get your fon para pag anjan na ako..tatawagan kita..
andito ako sa general santos city..home of the generals kung tawagin..home to pacman,the great boxer...sige i'll call you pag napunta ako sa manila
Dennis said…
Ang layo pala ng province mo.....hehehehe.... Ang bayan ng Pambansang Kamao...Manny "Pacman" Pacquiao

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy