Ate Jo's Despedida Party


Last May 28, isinama ako ng aking wife na si Jolly sa despedida party ng ka-officemate nilang si Ate Jo. Mag-ma-migrate na kasi sila sa Canada and sa June 5 ata ang alis nila.
Ito ang nakakatuwa sa kanila, talaga pinahahalagahan nila ang bawat isa sa kanila lalo na sa mga pagkakataong kagaya ng ganito. Ayun nag-contribution sila para sa pagkain, at nakakatuwa naman dahil dumating kahit yung nasa malayo nilang branch sa Alabang. Siyanga pala, sa Perez Optical sila nag-wo-work. Yung picture pala sa itaas ay sina from left, Jors, si Ate Jo, my wife Jolly, Bheng, Jena at yung nasa itaas naman ay si JL.

Yung guy na naka-gray na t-shirt ay si Kuya Willy. Siya ang husband ni Ate Joe. Ofcourse masasaya ang lahat..at masarap ang food. Also in the pict...from left... Mareng Kate, Helen and Josie.

Ang pagkaing pinagsaluhan pala ay: Shrimp in Sprite, butter and garlic, pancit malabon, barbeque, menudo and syempre cake from red ribbon. Nagustuhan ko yung menudo. Masarap ang pagkaluto. Promise, magluluto ako nito sa isang araw.


Syempre before ang kainan, nag-pray muna si Kuya Willy for all the blessing. Sumundot pa ang wife kong si Jolly (girl in left) na sana daw yumaman na kami.....hahahahaha.


And it's time to say goodbye....nagkaiyakan pa. Syempre naman, sa tagal ba naman ng kanilang pinagsamahan sa kumpanyang yun. Nagkalokohan pa nga na padala ang mga resume nila kay Ate Jo.....hehehehehe.

To Kuya Willy, Ate Jo and Shem-shem.....Good Luck! God Bless.......sana wag nyo kaming makalimutan. Magkikita pa rin naman tayo.....Soon.

Comments

MaMely said…
Mukhang masarap ang kainan at masaya ang grupo!
Dennis said…
Hi MaMely.....Sinabi mo pa. Yun ang masarap sa isang kainan....yung may konting agawan...hehehehe. At masaya talaga....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy