Champorado at Tuyo


Simple lang ang recipe natin para sa araw na ito. Alam ko alam na ninyo itong lutuin. Pero ang gusto kong pagtuunan ng pansin ay ang pagiging tunay na lutuing Pilipino nito. Hindi ko alam ang origin ng lutuin ito. Pero ang natatandaan ko maliliit pa kami ay pinakakain na kami ng ganito sa bahay. Ang isa lang na hindi ko maintindihan ay kung bakit tuyo ang naging ka-partner nito habang kinakain. Parang magka-kontra ang lasa nito pareho. Matamis tapos maalat naman ang isa. Ay ewan ko nga ba. Isa lang ang masasabi ko, masarap itong kainin lalo na kung umuulan. Hehehehehe

The last time na umuwi kami ng San Jose, Batangas, sa mga biyenan ko, pinauwian kami ng purong tablea ng cacao. Alam mo naman sa probinsiya, basta may umuwi na mga kamag-anak, hindi mawawala ang pabaon pag sila ay aalis na. At eto nga, saging na saba at purong tablea ng cacao ang pinauwi sa amin.

Ito siguro ang pagkakaiba ng Champorado na niluto kumpara sa mga champorado recipe na nakikita nyo sa ibang blog. Yung sa iba unsweetened cocoa powder ang ginamit nila. Itong sa akin purong cacao ang ginamit ko. I tell you, iba ang lasa na kinalabasan. Masarap talaga....hehehehe.


CHAMPORADO AT TUYO

Mga Sangkap:

1 cup Malagkit na bigas

3/4 cup Ordinaryong bigas

4 pcs. Pure cocoa tablet

5 cups of water (depende sa lapot na gusto ninyo)

brown sugar (depende sa tamis na gusto ninyo)

Condensed milk

Tuyo (Dried fish...sa batangas ang tawag dito ay hawot)


Paraan ng Pagluluto:

1. Pag haluin ang 2 klase ng bigas at hugasan (Parang magsasaing)

2. Ilagay sa isang kaserola at hayaang kumulo

3. Ilagay ang tablea ng cacao..Halu-haluin palagi

4. Kung durog na durog na ang bigas, maari ng lagyan ng asukal ayon sa tamang tamis na gusto ninyo.

5. Ilagay sa isang lalagyan at lagyan ng condensed milk sa ibabaw.

6. Ihain kasama ang piniritong tuyo


Note: Ang dami ng sangkap ay depende sa dami ng inyong lulutuin. kayo na ang bahala na mag-tantya.

Basta ang huli ko lang masasabi, masarap kung purong cacao ang gagamitin sa lutuing ito.

Till next..... Enjoy!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy