Chicken Curry
Pasensya na po kung medyo natagal ang pagpo-post ko ng mga bago kong niluto. Pero sabi ko nga, as promised, eto na naman ang mga bago kong niluto para sa inyo.
Matagaltagal na din akong hindi nakakapagluto ng recipe natin for today. Isa ito sa mga paboritong ulam ng anak kong si Jake. Komo nga kagagaling lang nila sa bakasyon sa bahay ng aking biyenan, parang sabik na sabik sila sa luto ng Daddy nila...hehehehehe.
Kaya eto simulan na natin. Madali lang ito at tiyak magugustuhan ng inyong buong pamilya.
CHICKEN CURRY
Mga Sangkap:
1.5 kilo Whole Chicken (Hiwain na parang pang adobo)
1 large potato cut into cubes
1 large carrot cut into cubes
1 large red bell pepper (Hiwain ng pahaba)
2 stalks of celery (Hiwain ng pahaba)
2 stalks of lemon grass (white lower portion) chopped
3 tbsp. thai fish sauce or patis
2 tsp. of curry powder
1 small can Alaska evap (Yung red label)
1 cloves minced garlic
1 large onions chopped
1 thumb size ginger cut like a match sticks
1 tbsp. cornstarch
1 8gram Maggie magic Sarap
Salt and pepper
5 pcs. calamansi
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa calamansi juice, asin at paminta
2. Sa isang kaserola, igisa ang luya, lemon grass, bawang at sibuyas
3. Ilagay ang manok, timplahan ng patis at paminta, halu-haluin at takpan.
4. Sa isang tasang tubig, tunawin ang curry powder at ilagay sa nilulutong manok.
5. Hayaang kumulo. Lagyan ng tubig kung kinakailangan.
6. Kung malapit ng maluto ang manok, ilagay ang patatas, carrots, celery at red bell pepper. Takpan muli
7. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay na ang Alaska evap at hayaan pang kumulo sa loob ng mga 2 minuto.
8. Ilagay ang Maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa. Lagyan pa ng patis at paminta kung kinakailangan.
9. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
Ihain habang mainit.
Note: Nasa sa inyo kung gaanong karaming curry powder ang ilalagay nyo. Kung gusto ninyo ng mas maanghang, dagdagan nyo pa ng curry powder o kaya naman lagyan nyo ng sili at paminta pa.
Enjoy!!! marami pa ang susunod.....abangan...
Comments