Corned Beef Frittata



Sa hirap ng buhay ngayon at sa mahal ng mga bilihin, dapat ay wala tayong nasasayang na pagkain. Dito pumapasok ang pagkatuto natin na mag-recycle ng mga leftover na pagkain. Kagaya nitong recipe natin for today. Corned beef ito na tira-tira namin nung isang araw. Di ba nga dalawa lang kami sa bahay ngayon? Kaya ayun nag-kasya sa amin ang lutuing ito at masarap ha. Sabi nga, kailangan lang nating maging innovative para makagawa ng isang masarap na putahe. Try nyo ito, pwede nyo ding gawin ito sa iba pa ninyong leftover na pagkain kagaya ng hotdog, ham, or kahit chicken or pork man.

Bakit pala frittata? Actually nabasa ko lang din ito sa isa pang food blog. Di ko alam kung anong salita ito....pero dito sa atin torta ang ang tawag dito.


CORNED BEEF FRITTATA

Mga sangkap:

1 cup Corned beef guisado with potato

3 eggs

fresh basil leaves

2 tbsp. olive oil

1/2 cup grated quick melt cheese


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick pan, maglagay ng kaunting olive oil

2. Ilagay ang leftover na ginisang corned beef at halu-haluin

3. Ilagay ang basil leaves at grated quick melt cheese. halu-haluin

4. Ibuhos sa ibabaw ang binating itlog

5. Hinaan ang apoy at takpan ang kawali hanggang sa mabuo ang binating itlog na inilagay


Ihain habang mainit.


Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy