Crack Pot Roast Beef
Medyo sosyal ang entry natin for today. Crack Pot Roast Beef. Di ba ang gandang pakinggan? Hehehehehe. Nakuha ko lang ang recipe nito sa isa ding food blog. Nung mabasa ko ito, aba sabi ko ang dali lang. Ang medyo mabigat lang dito ay yung tagal ng pagluluto na gugugulin. Pero sulit naman ang matagal na ipaghihintay. Masarap talaga at para ka na ring kumain sa mamahaling retaurant. Sabagay, mahal naman talaga ang beef....hehehehehe.
CRACK POT ROAST BEEF
Mga Sangkap:
1 kilo Beef slabs (Ang ginamit ko dito ay yung cut sa batok. Pwede naman kahit saang part basta wag lang yung malitid)
1 cup chopped onions
1 cup chopped celery
1 cup soy sauce
1 cup red wine or vinegar
1 cup water
1 tbsp. whole pepper corn
1 8gram sachet maggie magic sarap (optional)
1 tbsp. cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Ilagay ang lahat ng sangkap sa isang palayok o kaserola at saka ilagay ang buong cut na beef
2. Pakuluan ito ito hanggang sa lumambot. Siguro mga 4 to 5 hours depende sa parte ng baka na ginamit
3. Kung lumambot na ang karne, hanguin ito sa isang lalagyan.
4. Lagyan ng tinunaw na cornstarch ang pinaglutuan hanggang sa lumapot ang sauce.
5. Ilagay ang sauce sa ibabaw ng karne at saka ihain.
Masarap kainin ito kasabay ng mainit na kanin o kaya naman gayatin at gawin palaman sa tinapay. Kinain pala namin ito na may kasamang enseladang pipino. Pritong saging na saba naman ang aming ipinanghimagas.
Bakit pala may crack pot sa pangalan ng recipe? Yung original recipe nito ay niluto sa isang palayok or clay pot. Hindi ko alam kung may pagkakaiba sa lasa kung dito mo ito lulutuin.
Enjoy!!!! Sa muli....
Comments