Egg Canapes



Madali lang ang entry natin for today. Ilaga lang ang itlog at konting halo halo ayos na. Actually, masarap na handa ito sa mga parties or cocktails. Wala lang naisipan ko lang na gumawa nito last night. Marami pang mayonaise na sobra dun sa ginawa kong kani & cucumber salad and presto may bagong recipe na naman ako. Di ba nga kaming mag-asawa lang sa bahay, so hindi talaga ako nagluluto ngayon ng pangmaramihan lagi....hehehehe.

Ang masasabi ko lang, marami kang pwedeng gawin sa recipe na ito. Siguro kailangan lang ng konting imagination at tamang pag-blend ng mga sangkap para mas lalong sumarap ang food.


EGG CANAPES

Mga Sangkap:

4 large size hard boiled egg

1/2 cup Lady's Choice mayonaise

1/2 cup grated cheese

1 tbsp. chopped fresh basil leaves

salt and pepper


Paraan ng paggawa:

1. Balatan ang nilagang itlog.

2. Bago hiwain sa gitna ang itlog, tapyasan muna ng kapiraso ang magkabilang gilid ng itlog para madaling tumayo pag nahati na.

3. Hatiin sa gitna ng pula ang itlog

4. Ilagay sa isang lalagyan ang pula ng itlog at durugin

5. Ihalo ang mayonaise, cheese, chopped basil leaves, asin at paminta (kaunti laman ang asin dahil maalat na ang cheese)

6. Matapos paghaluin ang mga sangkap, ilagay ang mga 1 kutsarita nito sa butas ng hinating itlog.

Maaring ipatong ang itlog sa hiniwang french bread o kaya naman sa fita biscuit.


'Till next.....Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy