Enseladang Talong sa Bagoong Balayan



Sa pagluluto, importante na matutunan ang pagbe-blend ng mga flavors. Dapat din medyo matapang tayo to experiment. Di naman kasi dapat naka-depende tayo lagi sa recipe. Halimbawa, na-try nyo na bang paghaluin ang calamansi, suka at toyo para gawing sawsawan sa inihaw o prito? Try nyo at masarap talaga.

Sa entry natin for today, yun ang naging inspirasyon ko. Ang pagmi-mix ng ibat-ibang flavors ng sangkap. Sabi ko nga walang exact na recipe sa isang lutuin. Depende ito sa panlasa ng nagluluto at ng kakain. Nga pala, masarap ang recipe nating ito sa pritong isda o kaya naman ay inihaw na liempo.


Try nyo ito....masisira ang diet nyo pag natikman nyo ito...hehehehe.



ENSELADANG TALONG SA BAGOONG BALAYAN



Mga Sangkap:

5 pcs. medium size talong

4 pcs. medium size tomatoes

1 pc. medium size red onion

2 pcs. salted egg o itlog na pula

1/2 cup bagoong Balayan

4 pcs. calamansi



Paraan ng pagluluto:

1. Ihawin o ilaga ang talong. Ako, niluto ko sa microwave ng mga 6 minutes. Palamigin muna saka balatan

2. Hiwain ang talong, kamatis at itlog na maalat ng pa-cube o maliit na hiwa.

3. Gayatin ang sibuyas ng pino

4. Paghalu-haluin lamang ang lahat ng sangkap

5. I-halo ang bagoong Balayan at katas ng calamansi



I-hain kasama ng pritong isda o inihaw a liempo.



Sarap!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy