Fried Tilapia with a Twist




Tilapia, kung tawagin ng iba St. Peter's Fish. Nung una kong madinig ito, sabi ko, bakit? May tilapia na ba nung araw? Hanggang nung mapanood ko muli sa DVD yung movie na Jesus of Nazareth. Di ba may parte dun na inutusan ni Jesus si Peter na ihulog ang kanyang lambat sa dagat? At yun nga ang dami niyang nahuling isda. At dun sa movie tilapia ang isda na ipinakita. Nung mapanood ko ito sabi ko, dun kako siguro nakuha yung tawag sa tilapia na St. Peter's Fish. Hehehehe.

Pangkaraniwan na sa atin ang ulam na pritong tilapia. Bukod pa sa masarap na isda ito, mura din ito na mabibili as compare sa ibang klase ng isda.

So, para naman maiba ang ating ordinaryong pritong tilapia, nilagyan ko ito ng twist. And I tell you, masarap ang kinalabasan ng aking eksperimento.....hehehehe. Try nyo!


FRIED TILAPIA WITH A TWIST

Mga Sangkap:

1 1/2 kilo medium size tilapia

1 thumd size grated ginger

1 tsp. minced garlic

2 tbsp. chopped lemon grass or tanglad

1/2 cup vinegar

salt and pepper

1 8gram sachet Maggie Magic Sarap

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang bowl, paghaluin ang suka, bawang, luya, tanglad, asin, paminta at maggi magic sarap

2. Lagyan ng asin ang katawan ng isda at iklagay sa isang lalagyan.

3. Ibuhos ang pinaghalong sangkap at hayaan ma-marinade ng ilang minuto.

4. Sa isang kawali, magpakulo ng mantika

5. Isa-isang i-prito ang isda. Huwag isama ang mga sapal ng luya, bawang at tanglad

6. I-prito ito hanggang sa maluto

Ihain ito na may sawsawang calamansi, suka at toyo. Masarap itong i-ulam na may kasamang gulay. Ito pala ang inulam namin kasama yung nauna kong post na enseladang talong.

Try nyo...masarap ito.

Till next.....Marami pang susunod.....hehehehe


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy