Kani and Cucumber Salad
On diet ang wife ko ngayon. Medyo naramdaman na daw niya na tumataba siya. Hehehehe...Kaya naman nung isang araw, kani sticks or crab sticks lang ang kinain niya with mayonaise. Kaya nung makita ko yung natira pang kani sticks sa fridge, kani salad agad ang naisip ko na gawin. At eto na nga, natuloy din ang salad na gusto kong gawin. But instead na pure kani lang ang gagawin ko, naisip kong bakit hindi ko haluan ng iba pang gulay ang salad. At yun nga, hinaluan ko ng pipino, singkamas at carrots. Masarap naman ang kinalabasan. Ito din pala ang kinain ko for dinner that night. Nakakabusok naman....hehehehe. At siyanga pala, nilagyan ko din ng mani ito para mas sumarap pa.
KANI AND CUCUMBER SALAD
Mga Sangkap:
10 pcs. crab or kani sticks
2 pcs. medium cucumber
1 medium size singkamas
1 medium size carrots
1 cup Lady's choice mayonaise
2 tbsp. chopped adobong mani
salt and pepper
Paraan para gawin:
1. Hiwain ang crab sticks at lahat ng gulay ng pahaba. Mga 2 inches na maninipis na parang match sticks. Ilagay sa isang bowl
2. Ilagay ang mayonaise, mani at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin
3. I-chill muna sa fridge bago ihain
4. Ihain na may dinurog na mani sa ibabaw.
Note: Ofcourse babalatan ang lahat ng gulay bago gayatin...hehehehe. Yung pipino, alisin din ang mga buto sa gitna gamit ang kutsara. Mainam din na idampi ito sa paper towel para maalis ang extra juice. Otherwise magiging masabaw ang salad ninyo.
Try it and enjoy!!!
Comments