Lumpiang Prito



Katulad din ng iba pang pagkaing Pilipino, marami din ang variety ng lutuing ito. Pwedeng kainin ng fresh o kaya naman ay piniprito. Nagiiba-iba din ang pinapalaman dito. Mayroong sari-saring gulay, meron naman na giniling na baboy lang....yung iba naman nilalagyan pa ng sotanghon. Kung baga ang sangkap na pwedeng gamitin ay endless. Depende na sa ating gusto at sa ating imagination.

Ang inspirasyon nga pala sa lutuing ito ay ang aking kapitbahay na si Ate Joy. Nagluto siya nito nung isang araw. Nang matikman ko, nagustuhan ko naman. At tinanong ko nga sa kanya kung papano niya ito niluto.

Hindi ako ang nagluto ng entry nating ito for today. Ang aking helper na si Ate Minda ang nagluto nito. Kababayan ko ito kaya halos magkapareho kami ng timpla sa pagkain at marunong talaga siyang magluto. Tinuro ko lang sa kanya ang gagawin at alam niya agad kung papano. And take note, masarap ang kinalabasan ng lumpiang prito niya.




LUMPIANG PRITO

Mga Sangkap:

300 grams giniling na baboy

2 cups bean sprout or toge (yung maliit pa lang ang tubo)

1 tbsp. sesame oil

1 tbsp. minced garlic

1 large onion chopped

salt and pepper

lumpia wrapper

1 egg beaten

1 8gram Maggie magic sarap

cooking oil for frying



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika

2. Ilagay ang giniling na baboy. Halu-haluin

3. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap

4. Ilagay ang bean sprout o toge. Halu-haluin

5. Kung luto na ang karne, hanguin sa isang lalagyan at palamigin

6. Kung malamig na ang palaman, balutin ito sa lumpia wrapper. Nasa sa inyo kung gaano kalaking lumpia ang gusto ninyo.

7. Lagyan ng binateng itlog ang dulo ng lumpia wrapper para dumikit at maisara
8. I-prito ito sa kumukulong mantika

9. Hanguin sa paper towel para maalis ang extrang mantika



Ihain na may kasamang sweet chili sauce o kaya naman ay sukang may bawang, sibuyas, asin at sili.



Enjoy!!



Note: Pwede ding lagyan ng iba pang gulay katulad ng carrots, singkamas o kaya naman baguio beans.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy