Luncheon Meat and Mushroom Frittata
Ang hirap na mag-isip ng pang-ulam o pagkain na pang breakfast. Halos every week na lang nagpapalit-palit lang sa hotdog, itlog, longanisa, tocino, tuyo, daing, etc. ang ating inihahanda. Minsan sinasalitan ko na lang ng sopas, arroz caldo o kaya naman champrado. Pero syempre iba yung kanin ang breakfast. Mas matagal ang busog.
Para hindi maging boring ang pang-araw-araw nating almusal, maaring magplano at mag-isip ng mga luto na pepwedeng isalit sa mga ito. Katulad na lang ng recipe natin for today. Sa halip na simpleng prito lang ang ginawa ko sa luncheon meat ginawa ko itong frittata or torta. Madali lang itong gawin at tinitiyak kong magugustuhan ito ng mga kids.
LUNCHEON MEAT AND MUSHROOM FRITTATA
Mga Sangkap:
- A can of 215 grams Purefoods Luncheon meat cut into small cubes
- 1 small can Jolly sliced mushroom
- 3 eggs beaten
- a dash of dried basil
- 1/2 cup of grated cheese
- 1 tsp. minced garlic
- 1 small onion chopped
- salt and pepper to taste
- olive oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting olive oil
2. Ilagay ang mushroom at halu-haluin
3. Makalipas ang 1 minuto, ilagay ang lucheon meat. Timplahan ng kaunting asin at paminta
4. Hanguin sa isang bowl
5. Ilagay sa ginisang sangkap ang binating itlog, cheese at dried basil. Halu-haluin
6. Sa isang non-stick pan, maglagay ng kaunting mantika.
7. Sa mahinang apoy, ilagay o i-prito ang mga pinaghalong sangkap. Takpan at hayaang maluto ang itlog. Maari ding hati-hatiin ito depende sa laki ng frittata na iyong lulutuin.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ihain na may kasamang catsup or mayonaise
Tip para buo ang pagkaka-prito ng inyong frittata:
- Kung sa tingin ninyo ay luto na ang ilalin ng inyong frittata, takluban ito ng plato at saka baligtarin ang kawali. Ibalik muli sa kawali ang niluluto para maluto naman ang kabila.
- Kung maliliit naman na fritta ang gusto ninyo, maari platito naman ang gamitin.
That's all...I hope patuloy pa din kayong sumubaybay sa aking mumunting food blog.
Hanggang sa muli. . . . .
Comments