Nilagang Spareribs ver. 2
Here is another version of my Nilagang Spareribs. Dun sa una kong posting nilagyan ko ng saging na saba at kamote as extender. Di ba nga sa hirap ng buhay ngayon at sa tataas ng mga bilihin, kailangan na matuto tayong magtipid sa ating mga gastusin. Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na tayo kakain ng masarap, kailangan lang ay makapagisip tayo ng paraan o kaunting eksperimento para magawa natin ito. At isa nga dito ang pag-gamit ng mga extender.
Sa recipe natin ngayon gumamit ako ng mais as extender. Di ba sa mga nilagang baka o kaya naman bulalo nilalagyan nila ito ng mais? Hindi laman extender ang nagiging papel ng mais sa lutuing ito. Nagpapalasa din ito sa sabaw ng nilaga. Sa lutuing ito, pwede ding gumamit ng baka o kaya naman ay manok.
NILAGANG SPARERIBS Ver. 2
Mga Sangkap:
1 & 1/2 kilo Pork spareribs cut into bite size pieces
1/2 medium size repolyo
1 large potato cut into 1/8 size
1 bunch of pechay tagalog
1 tangkay ng leeks
1 large onion
2 pcs. yellow corn or sweet corn cut into 4 pcs.
1 tsp. whole pepper corn
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang spareribs, tubig, asin, ginayat na sibuyas at pamintang buo. Pakuluan hanggang sa malapit nang lumambot ang karne
2. Ilagay ang mais. Hayaang kumulo hanggang sa malapit ng maluto
3. Isunod na ilagay ang patatas. Kung malapit ng maluto, ilagay na ang natitira pang mga gulay
4. Timplahan pa ng asin o patis kung klinakailangan
Ihain habang mainit ang sabaw.
Masarap na sawsawan dito ang patis na may sili.
Enjoy!!!
Comments