Overnight @ Richmonde Hotel with My Family
Nakagawian na naming pamilya na mag-swimming tuwing summer. Maliliit pa ang mga bata ginagawa na namin ito. Last year nga sa Boracay pa kami dumayo ng pagswi-swimming....hehehehehe...Kaya nga this year kahit papano ay iniraos ko ito kahit medyo mabigat sa budget. At isa pa, ginagawa namin ito bilang reward sa mga bata. Sinasabi ko sa kanila na kapag maganda ang grades nila sa school mas dadalasan namin ang pagpunta ng sa mga ganitong lugar kahit hindi summer.
Nag-check-in kami last May 23 Saturday yun mga 2:30pm. May pasok pa kasi ako ng morning at yun nga sinundo ko muna yung mga anak ko sa bahay at saka kami tumuloy ng hotel. Ang wife kong si Jolly ay sumunod na lang dahil may pasok din siya ng araw na yun.
After ng konting pahinga at maisaayos ko ang mga gamit namin, binihisan ko na ang mga bata ng pang-swimming at tumuloy na kami sa swimming pool ng hotel na nasa 4th floor. It was 2:45pm I think.
It was a heated swimming pool. Maligamgam ang tubig....masarap maligo. Yun lang napatapang ata ang clorine kaya medyo masakit sa mata. Siguro dahil dito kaya 5:00pm pa lang ay nagyaya ng umahon ang mga bata.
Time for the dinner ng dumating ang wife kong si Jolly. May dala siyang food na binili niya sa Kenny Rogers. Enjoy ang lahat lalo na ako....hehehehe...favorite ko ata ang Kenny.
Maaga akong nagising the following day. Ofcourse sa restaurant sa 2nd floor ang tuloy namin for the complimentary breakfast for 2. Yung mga bata 50%. Buffet breakfast pala. Masarap ng buffet breakfast nila. Marami kang pagpipilian. Mula sa mga traditional na Filipino food at mga almusal na kinakain sa ibang bansa. Bundat nga ako sa kabusugan ...hehehehe
After ng heavy breakfast namin, nagyaya na ang mga bata na mag-swimming ulit.
Umahon kami ng pool ng mga 12:00 na. Nagmamadali kami kasi nga 12:00 ang check-out time....hehehehe. Buti na lang at hindi kami na-charge ng additional...hehehehe
Umahon kami ng pool ng mga 12:00 na. Nagmamadali kami kasi nga 12:00 ang check-out time....hehehehe. Buti na lang at hindi kami na-charge ng additional...hehehehe
All in all, nakaraos naman ang yearly swimming na ginagawa namin. Kahit medyo mahigpit ang budget, ang importante nagkaroon kami ng time para mag-enjoy at mag-bonding kasama ang mga bata. I hope magawa namin ito every year talaga.
God Bless!!!!
Comments