Pork Binagoongan
Matagal ko nang gustong lutuin ang recipe natin for today. Yun lang hindi ako maka-hanap ng bagoong na tatama sa lasa na gusto ko. At eto nga, may nagbigay ng bagoong alamang na galing ng Pangasinan. Sabi ko lang, eto na yun. At hindi nga ako nagkamali. Masarap ang kinalabasan ng aking Pork Binagoongan.
Ang highlight ng recipe na ito ay nasa bagoong talaga. So, importante na nasa tamang alat at tamis ang bagoong na gagamitin. Try nyo..magugustuhan nyo ito at madali lang gawin.
PORK BINAGOONGAN
Mga sangkap:
1 kilo Pork Kasim (hiwain ng pang adobo)
1/2 cup Bagoong Alamang
1-1/2 cup Kakang gata
2 pcs. Talong (hiwain ng pa-oblong)
3 pcs. siling pang sigang
2 tbsp. minced garlic
1 large onion
Salt & Pepper
Paraang ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa kaunting asin at paminta. Hayaan ng mga 10 minuto
2. Sa isang kawali may mantika, i-prito muna ang talong. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Isunod na i-prito ang baboy hanggang sa pumula lang ng kaunti ang karne. Ilagay sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
5. Ilagay ang piniritong karne at bagoong alamang. Lagyan ng kaunting tubig, takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
6. Kung malapit ng maluto ang karne, ilagay ang siling pang sigang at kakang gata.
7. Timplahan ng asin at paminta kung kinakailangan.
8. Hanguin kung nag-aagaw mantika na ang gata.
9. Ilagay sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong talong.
Ihain habang mainit.
Till next.....
Comments