Sinigang na Hipon
Katulad ng paborito nating adobo ang sinigang ang isa sa mga lutuing Pilipino na maraming variety. Hindi lamang sa pangunahing sangkap nito katulad ng baboy, baka, isda o kaya naman hipon, maging sa pang-asim na gagamitin. Depende na lang siguro kung ano ang available sa inyong lugar. Di ba may gumagamit ng bayabas, yung iba naman santol, meron nga kamyas naman.... may nabasa nga ako lemon ang ginamit. Pangkaraniwan siguro na ginagamit natin ay ang sampalok. Komo nga nauso na ang mga instant na pangasim sa sinigang, matagal-tagal na din akong hindi nakakatikim ng sinigang na hindi instant ang pang-asim. Hayaan nyo pag nagkaroon ng pagkakataon i-post ko yung sinigang ko na hindi instant pang-asim ang gamit. hehehehe
Siguro naman ay alam na natin ang pagluluto nito. Yun lang nagkakaiba-iba ang ating pamamaraan. Basta ang importante sa isang sinigang ay ang tamang asim nito.
SINIGANG NA HIPON
Mga Sangkap:
1 kilo Hipon or Sugpo (Hipon lang ang ginamit ko dito...mahal kasi ang sugpo eh...hehehehe)
1 tale Kangkong
1 pc. Labanos
1 tale Sitaw
1 tale Okra
1 large onion
3 pcs. siling pang sigang
2 pcs. tomatoes
1 sachet Sinigang Mix
patis
asin
Maggie Magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Linisin mabuti ang hipon. Tanggalin ang sungot at balbas nito.
2. Sa isang kaserola, lagyan ng tubig at ilagay ang ginayat na kamatis at sibuyas. Hayaang kumulo.
3. Kung kumukulo na, ilagay ang sitaw, okra, siling pang sigang at labanos. Timplahan ng asin.
4. Kung malapit ng maluto ang gulay, ilagay na ang hipon at sinigang mix. Hayaan kumulo pa ng ilang minuto.
5. Ilagay sa huli ang kangkong
6. Tikman at timplahan na patis at maggie magic sarap
7. Ihain habang mainit
Masarap kainin ito na may sawsawang patis at pinirat na siling pangsigang.
Enjoy!!!
Comments
kahit walang gulay masarap!
salamat magic sarap!