Spicy Thai Chicken Basil
Kagaya ng Adobo nating mga Pilipino, ang lutuing Thai na ito ay marami ding variety. Nai-post ko na ang unang kong version at ito ang pangalawa. Komo nga laman lagi ng balita ang swine flu virus, medyo iniiwasan muna namin na kumain ng baboy. Kaya eto, chicken dish ang niluto ko kagabi for our dinner.
Sa entry natin for today, just like most of the Thai dishes, ginawa ko itong medyo spicy. At nakakatuwa naman at masarap ang kinalabasan. Hindi siya spicy na spicy. Kung baga, tamang-tama lang ang anghang nito sa aking panlasa. Also, gumamit ako dito ng Thai fish sauce o patis natin na galing Thailand mismo. Try it! Magugustuhan ninyo ito.
SPICY THAI CHICKEN BASIL
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast cut into small pieces
2 cups of fresh basil leaves
1/2 cup soy sauce
3 tbsp. Thai Fish Sauce or patis
1 tbsp. Lee Kum Kee Chili Garlic Sauce
1 cloves minced garlic
1 medium onion chopped
1 thumb size ginger grated
1 tbsp. sugar
1 tsp. cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa sa kaunting mantika ang luya, bawang at sibuyas
2. Ilagay ang manok, soy sauce, patis at chili garlic sauce. Halu-haluin para humalo ang mga sangkap
3. Takpan at hayaang kumulo at maluto ang manok
4. Kung luto na ang manok, ilagay ang asukal at basil leaves. Halu-haluin. Tikman kung kailangan pang lagyan ng toyo at patis.
5. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
Ihain habang mainit.
O di ba ang dali lang lutuin nito? Hehehehe....try this para maiba naman sa pangkaraniwang putahe na niluluto natin sa manok.
Till next! . . . .
Comments