Tamalis Batangas


Ang entry natin for today ay isang kakanin. Medyo nalilito lang ako kasi ang dami palang variety ng kakaning ito. Nabasa ko sa net, ang tamalis pala ay galing sa isang pagkain na nag-originate sa Mexico. Ang tawag dito ay tamale. Isa itong pagkain na ang pangunahing sangkap ay giniling na mais. Sa amin sa Bulacan may dalawang klase nito. Yung isa ang tawag namin ay boboto. Giniling na bigas ito na niluto sa gata at may halong paminta. Korteng pyramid ang hugis nito at nilalagyan ng latik sa ibabaw at nakabalot sa dahon ng saging. Sa ibang lugar,yung iba naman may kahalong karne na parang menudo sa ibabaw.

Sa bayan ng asawa ko sa San Jose, Batangas, iba naman ang tamalis sa kanila. Square ang hugis niya na nakabalot sa dahon ng saging. Malagkit na bigas ang sangkap nito at lihiya. Kapag kinakain ito, isasawsaw mo ito sa sauce na matamis at toasted na kinayod na niyog.

Kung ikukumpara ito sa amin sa Bulacan, ang tawag namin dito ay suman sa lihiya. Yung nga lang kinayod na niyog at asukal naman ang sinasabay dito sa pagkain.

Sa pag-gawa ng tamalis Batangas, paghaluin lang ang malagkit na bigas na binabad ng overnight sa tubig at lihiya. Ibabalot ito sa dahon ng saging at i-steam hanggang sa maluto.

Para naman dun sa sauce, paghaluin ang gata ng niyog at asukal na pula sa isang kawali. Haluin habang niluluto. Kung medyo malapot na, maari na itong hanguin.

Para naman dun sa burbor. Ito yung toasted na kinayod na niyog. Ang tawag naman sa amin sa Bulacan ay Budbod. Ang gagamitin dito ay yung sapal ng kinayod na niyog. Ibubusa lang ito sa kawali hanggang sa matusta.

Kung magagawi kayo ng Batangas ito ang isang kakanin na gustong-gusto nila. Makikita ito sa mga fiesta o mga importanteng okasyon katulad ng kasal o binyag.

Hala ay siya...nakain na ga kayo ng tamales? Ay siya ay kain na.....

Comments

Unknown said…
ang ganda talga sa batangas

im proud to be batangueno

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy