TURON HALAYA
Medyo busy ako ngayon sa kakaisip ng mga pagkain na maari kong i-share sa munting blog kong ito. Dahil sa mga feedback na natatanggap ko, mas lalo akong nai-inspire na magpatuloy pa at mag-post pa ng mga lutuin na alam kong gawin. Sana lang mai-share nyo din ito sa inyong mga kakilala. Pag nakikita ko kasi na marami ang nagbi-visit dito, mas natutuwa at nai-inspire ako. Keep on visiting
Kagabi, ang original na plano ay gumawa ng turong munggo para pang himagas. Pero naisip ko, why not ube jam or halayang ube na lang ang gamitin ko. Kagaya na lang ng hopia, di ba may ube flavor na rin ito? So yun nga ang ginawa ko at nasiyahan naman ang mga anak ko sa kinalabasan. Sabi nga nung panganay kong anak na si Jake, Daddy gawa ka uli nung turon.....hehehehe. Madali lang itong gawin try nyo.
TURON HALAYA
Mga Sangkap:
1. Lumpia Wrapper
2. Ube Jam or Halayang Ube
3. Alaska condensed milk
4. Cooking oil
5. 1 tbsp. flour dissolved in water (Gagamitin ito na pandikit sa edge ng lumpia wrapper)
Take note na wala akong nilagay na measurement. Depende na ito sa dami ng gagawin nyong turon.
Paraang ng pagluluto:
1. Ibalot sa lumpia wrapper ang halayang ube o ube jam katulad ng pagbabalot ng lumpiang shanghai. Mga 2 inches ang haba. Kung halayang ube ang gagamitin, hiwain ito ng pahaba, lagyan ng kaunting alaska evap at balutin.
2. Lagyan ng tinunaw na harina ang dulo ng lumpia wrapper para hindi ito bumuka habang piniprito
3. Sa isang kawali, magpakulo ng mantika. Mainam lubog ang ipi-prito
4. I-prito ang mga turon hanggan sa magkulay golden brown
5. Hanguin sa isang lalagyan
6. Lagyan sa ibabaw ng Alaska Evap at ihain
O di ba ang dali lang? Try nyo ito. Pwede din siguro ibang palaman ang gamitin katulad ng white beans o kahit yung munggo na ginigisa natin. Ilagay lang ito sa blender para madurong ng husto. Sige ipo-post ulit ang ibang variety ng ating turon.
Till next......maraming pang susunod....abangan!
Comments
Thanks again
Dennis
Please check this recipe: http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/08/nutty-yema-cake-ala-dennis.html
Thanks
Dennis