ADOBONG MANOK na may Tanglad (Aksidente lang)


RN-0609-008

Nag-plano ng get together ang mga classmates ko nung high school at sa bahay namin napagkasunduan nila itong gawin. Magdadala sila ng mga pagkain at syempre ako din kailangan kong mag-luto ng share ko.

Dalawang dish lang ang naisip ko na i-share. Pasta with ham & basil at Turbo broiled chicken. Bisperas pa lang, binili ko na ang mga gagamitin at nag-marinade na rin ako ng 2 manok na itu-turbo ko (Please check entry for Antons Chicken for the marinade mix). Sa di inaasahang pangyayari, hindi natuloy ang get together. May kalakasan kasi ang ulan nun at marami sa a-attend sana ay manggagaling pa ng Bulacan.

Yung isang manok natuloy na i-turbo at yun ang dinner naming nung isang gabi. Ano naman ang gagawin ko sa isang manok pa? At dun nauwi ang recipe natin for today. Adobong Manok sa Tanglad at aksidente lang…..hehehehehe.


ADOBO MANOK na may Tanglad (Aksidente lang)

Mga Sangkap:

1 whole chicken cut into serving pieces


1/2 cup soy sauce

8 pcs. calamansi (juice)

3 tbsp. minced garlic

salt and pepper

1/2 cup Tanglad

1/2 cup vinegar

1 8gram sachet maggie magic sarap


2 tbsp. oyster sauce

1 tbsp. sugar

1 tbsp. cornstarch



Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, toyo, bawang, calamnsi juice at tanglad. Overnight ma mainam.

2. Sa isang kaserola, ilagay ang marinated na manok kasama ang pinagbabadan. Hayaang kumulo hanggang sa maluto.

3. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang nilutong manok sa kaunting mantika hanggang sa pumula ng kaunti ang balat nito.

4. Ibuhos dito ang sauce na pinaglagaan at hayaang kumulo.

5. Ilagay ang oyster sauce, asukal at maggie magic sarap.

6. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.



Ihain habang mainit.


Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
hahaha..napakagandang aksidente naman tong nangyari sa 'yo?
masarap at malinamnam ang aksidenteng 'to?
i'll try this recipe one of these days
i'm sure napakasarap nito,dennis..
i like this one
Dennis said…
Sinabi mo....actually nakuha ko lang din yung idea dun sa teleserye na Only you. Yung kini-question nung isang chef si Jilian kung saan daw makakakita ng adobo na may tanglad...hehehehe. Aba masarap nga at kakaiba sa mga adobo na nakagisnan natin....hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy