ARROZ ALA CUBANA
Arroz ala Cubana ang ibig sabihin ayon sa Wikepedia ay Cuban Style Rice. It's a complete meal na may kanin giniling na beef na may tomato sauce, fried egg at pritong saging na saba. Dito sa atin, ganito ito i-serve. Hindi ko alam kung sa Cuba nag-originate ang dish na ito. Pero ito ata ang common food ng mga Cuban.
Ito ang dinner namin nung isang gabi at ito din ang baon namin ng mga bata the following day. Masarap siya. Mas okay nga kung may fried saba at itlog. Nasira na naman ang diet ko sa ulam na ito....hehehehehe.
Try nyo..another simple and delicious viand for you and your family.....pang baon na din....hehehee
ARROZ ALA CUBANA
Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Beef
2 pcs. medium size potato diced
1 large carrots diced
1 large green bell pepper diced
2 cans green peas
1 pouch Del monte tomato sauce
1 8g. sachet Maggie magic sarap
3 cloves minced garlic
1 large red onion chopped
2 large toamtoes chopped
5 pcs. Saging na saba hatiin sa gitna
5 pcs. egg
2 tbsp butter
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. I-prito ang itlog sunny side up
2. I-prito ang saging na saba hanggan sa pumula at maluto.
3. Sa kaparehong kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis
4. Ilagay ang giniling na baka, halau-haluin hanggang sa mawala ang pagkapula ng karne
5. Timplahan ng asin at paminta. Ibuhos ang tubig sa lata ng green peas. Takpan ng mga 5 minuto.
6. Ilagay ang patatas at carrots. Halu-haluin. Hayaang kumulo hanggang sa malapit ng maluto ang patatas.
7. Ilagay ang tomato sauce, green bell pepper. hayaan pa ng mga ilang minuto.
8. Tikman. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap kung kinakailangan.
Ihain kasama ng mainit na kanin, pritong itlog at pritong saging na saba.
Enjoy!!!!
Comments
kailangan ko na po ngayon