ARROZ VALENCIANA


Matagal ko nang binalak na magluto ng valenciana. Sa totoo lang first time ko itong niluto at masarap naman ang kinalabasan. Salamat na din sa mga nabasa ko na sa net at sa aking kapatid na masarap ding magluto nito. Gustong-gusto ko nito kasi nga malasa ang kaning malagkit dahil sa flavor ng mga sangkap.

Ang Arroz Valenciana ay parang Paella din. Yun lang ang Paella ay seafoods ang sahog, samantalang ito Valenciana ay laman at atay ng manok. Pero ang paraan ng pagluluto nito ay halos pareho lang. Sa ibang lugar naman ang tawag dito ay Bringhe. Pero ang pagka-alam ko luyang dilaw ang ginagamit nila para magkakulay ang kanin ng bringhe.

Napag-pasyahan ko palang magluto nito dahil birthday ng aking biyenan na si Inay Elo. 85 years old na siya at naipangako ko sa kanya na ipagluluto ko siya nito. At eto nga, natuloy din ang noon ko pa binabalak na lutuin.


ARROZ VALENCIANA

Mga Sangkap:

2 cups Bigas na Malagkit

2 cups Ordinaryong Bigas (Jasmin na bigas ang ginamit ko dito)

1/2 kilo chicken breast cut into small pieces

1/2 kilo Atay at Balunbalunan ng manok

1/4 kilo Porkloin or kasim cut into cubes

2 pcs. chorizo de bilbao (hiwain ng pahaba)

3 pcs. medium size potatoes cut into cubes (cut into small pieces)

2 pcs. red and green bell pepper

1 large carrots cut into cubes

2 cups gata ng niyog

1 cup tomato sauce

1 knorr chicken cubes

salt and pepper

4 pcs. hard boiled eggs

Maggie Magic Sarap

Achuete seeds



Paraan ng Pagluluto:

1. Isaing ang malagkit at ordinaryong bigas. Katas ng achuete ang gamiting pang-tubig dito. Lagyan ng 1 knorr chicken cube. Hayaang mainin at lumamig.

2. Sa isang malaking kawali, igisa nga bawang at sibuyas.

3. Unang ilagay ang balun-balunan ng manok at karne ng baboy. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa lumabot.

4. Ilagay ang manok, patatas at carrots. Timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng isang tasang gata ng niyog. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok at patatas.

5. Ilagay ang chorizo de bilbao, tomato sauce, red/green bell pepper at natitira pang gata ng niyog. Hayaan ng mga 2 minuto

6. Ilagay ang pinalamig na kaning bigas at halu-haluin hanggang sa maihalo na ang lahat ng sangkap sa kanin.

7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng hiniwang nilagang itlog sa ibabaw.



Enjoy!

Comments

Anonymous said…
yung bringhe ba yung saing na niluto sa gata?
Dennis said…
Yes..actually pareho lang yun....yung iba achuete ang ginagamit na pangkulay....yung iba naman luyang dilaw.
Unknown said…
Hayyyy... Ang sarap naman. Sabi nga ng Kapangpangan. Manyaman...
Masarap talaga yan at gagawin ko dito sa Dubai. Sa Dubai may kahalintulad yan. Ang tawag ng mga Indiano ay Biryani.

Salamat sa Recipe mo kaibigan..

Nonoy

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy