BATCHOY TAGALOG
Kapag sinabing batchoy, ang una agad nating naiisip ay yung la paz batchoy ng Ilo-ilo na isang uri ng pagkain na may noodles, chicharon sa ibabaw, itlog at masarap na sabaw. Masarap na kainin ito lalo na ngayon maulan ang panahon.
Pero alam nyo ba na sa amin sa Bulacan ang batchoy ay isang ulam na may sabaw. Ang pangunahing sangkap nito ay lomo o porkloin at mga lamang loob ng baboy katulad ng lapay, atay at bato. Nilalahukan din ito ng dugo ng baboy pero yung mga buo-buo lang. Kung hindi kasi magiging dinuguan ang batchoy nyo...hehehehe.
Sa recipe nating ito for today, hindi ko nilagyan ng dugo at ibang lamang loob. Lomo lang at atay ang aking ginamit at nilagyan ko ito ng misua at sayote. Masarap ito talaga. Isa ito sa mga paborito kong ulam lalo na pag niluto ito ng namayapa kong Inang Lina.
BATCHOY TAGALOG
Mga Sangkap:
3/4 kilo Pork lomo cut into strip
1/4 kilo Pork liver cut into strip also
1 large sayote cut into cubes
2 pcs. misua
dahon ng sili
2 tbsp. ginger cut like match sticks
1 cloves minced garlic
1 medium onion chopped
whole pepper corn
salt
patis
Maggie Magic Sarap (optional)
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang karne ng baboy at halu-haluin.
3. Lagyan ng patis at pamintang buo at hayaang masangkutsa ng ng mga 1 minuto.
4. Lagyan ng tubig ayon sa gusto ninyong dami ng sabaw. Takpan at hayaang kumulo.
5. Kung malapit ng lumambot ng karne, ilagay ang sayote at misua. Halu-haluin.
6. Timplahan ng asin o patis at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
7. Huling ilagay ang atay ng baboy at hayaan pang kumulo ng mga 3 minuto.
8. Ilagay ang dahon ng sili bago ihain.
Ihain habang mainit.
Maaari ding lagyan ito ng siling pang-sigang. Hanguin ang sili sa isang platito at lagyan ng patis. Ito ang gawin ninyong sawsawan. Sarap nito talaga....gaganahan kang lalo kumain.
Hehehehe...Enjoy!!!
Comments
Dennis