BEEF STEW - Simple lang
Wala akong maitawag na pangalan sa entry natin for today. Kasi ba naman up to the last minute hindi ko alam kung papanong luto ang gagawin ko sa beef cubes na ito. Komo ako nga ang naghahatid sundo sa mga anak ko sa school, wala na akong time para makabili pa ng mga rekado na ilalagay sa dinner namin. So ang nangyari, kung ano na lang ang available sa fridge yun na lang ang ginamit ko. Ang ginawa lang ng helper ko ay igisa ang beef sa bawang at sibuyas at saka pinalambot ang karne.
So eto nga ang nangyari, 2 luto ang pinag-iisipan kong gawin sa beef cubes na ito. Beef curry o kaya naman Beef with Mushroom in Oyster sauce. Nang i-check ko ang fridge, may nakita akong baguio beans at patatas. Meron din tomato tomato sauce at dried rosemary pa. So ayun, pinag-halo-halo ko lang yun at isang masarap na ulam ang kinalabasan. hehehehe.
BEEF STEW - Simple Lang
Mga Sangkap:
1 kilo Beef cubes
1 Sachet Del Monte tomato sauce filipino style
2 pcs. medium potato quartered
250 grams. Baguio beans cut into 2 inches long
1 tsp. dried rosemary
1 8g sachet Maggie magic sarap
3 cloves minced garlic
1 medium size red onion
salt and pepper
1 tsp. cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang baka at timplahan ng asin at paminta
3. Lagyan ng tubig at takpan hanggang sa lumambot ang karne
4. Ilagay ang patatas at dried rosemary at hayaang maluto. Maaring lagyna ng kauting tubig kung kinakailangan
5. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang tomato sauce. Hayaan ng mga ilang minuto.
6. Ilagay na ang baguio beans. Tikman. timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.
7. Kung malapit ng maluto ang baguio beans, ilagay ang tinunaw na cornstarch at maggie magic sarap.
Ihain habang mainit.
Marami pang susunod.....abangan!
Comments
Dennis