BEEF with BASIL in COCONUT MILK
Isa na namang lutuin na hindi ko alam kung may ganito talaga. Hehehehe. May nabasa kasi ako sa isa ding food blog. Doon naman chicken ang ginamit. So why not sa beef? Nakakasawa na din kasi ang nilaga o kaya naman caldereta o afritada sa beef. So bakit hindi natin gawan ng kakaiba para naman hindi nakasawa.
Subok ko na ang dahon ng Basil sa aking mga lutuin. Kahit sa mga pasta o kaya naman lutuin may tomato sauce, panalo ang nagiging lasa nito. Ewan ko ba, na-inlove na nga ata ako sa dahon na ito....hehehehehe.
Try nyo ito at tiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong pamilya....
BEEF with BASIL in COCONUT MILK
Mga Sangkap:
1 kilo Beef cut into cubes
2 pcs. potato quartered
1 carrots cut into cubes
1 cup fresh basil leaves
1 can green peas or guisantes
1/2 cup celery chopped
2 cups pure coconut milk
1 tbsp. minced garlic
1 medium onion chopped
1/2 cup butter
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter
2. Ilagay ang baka, lagyan ng asin at paminta, halu-haluin at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan ng tubig, takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
4. Ilagay ang patatas at carrots. Hayaan ng mga 2 minuto o hanggang sa maluto.
5. Ilagay ang gata ng niyog at hayaang ng mga ilang minuto
6. Huling ilagay ang chopped celery, green peas o guisantes at dahon ng basil
7. Tikman. Lagyan pa ng asin at paminta kung kinakailangan
Ihain habang mainit pa.
Marami pang susunod.....abangan!!!
Comments