BUKO PANDAN



Ang dali-dali lang ng entry natin for today. Isang pang-himagas na pwedeng-pwede na ihain sa mga espesyal na okasyon. Just like me, paborito ko ito....hehehehe


Noon ko pa binabalak na gawin ang dessert na ito. Meron pa kasi akong Mr. Gulaman na natira last christmas. Kulay green at ito nga ang balak kong gawin dito. Nung first time kong ginawa ito, medyo hindi maganda ang kinalabasan. Madali kasing napanis. Hindi ko alam kung bakit...Dahil siguro fresh buko ang ginamit ko dito. Ewan ko lang.


Dito sa ginawa ko, mga bottled sweet buko ang ginamit ko. Sinamahan ko na din ng sweet nata de coco para mas masarap ang kalabasan. At hindi nga ako nagkamali. At isa pa, fresh pandan leaves ang ginamit ko kaya natural na natural ang lasa ng pandan.


BUKO PANDAN


Mga Sangkap:

2 cups. of bottled sweet coconut strips

2 cups. of bottled sweet nata de coco

1 sachet Green Mr. Gulaman powder mix

1/2 cup of sugar

6 cups of water

2 pcs. Fresh Pandan Leaves

1 small can all purpose cream

1 small can alaska condensed milk



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, pakuluan ang pandan leaves sa 6 na tasang tubig. Hayaang kumulo ng mga 10 minuto para mas lumabas ang flavor ng pandan.

2. Alisin ang dahon ng pandan at ilagay ang Mr. Gulaman powder mix at asukal. Halu-haluin

3. Hanguin at ilagay sa mga square na lalagyan. Hayaang lumamig hanggang sa mabuo.

4. Hiwain ang gulaman ng pa-cube at ayon sa tamang nais na laki. Ilagay sa isang bowl.

5. Ihalo ang sweet coconut strips, nata de coco, cream at condensed milk. Halu-haluin.

6. Palamigin sa fridge bago ihain.


Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
gumawa ang sis in law ko nito nong anjan ako..napakasarap nito,dennis..
kaya lang nakakataba..hahaha
Eva said…
yung sweet coconut strips ba pareho noong bottled makapuno? what brand do you use?
Dennis said…
Sinabi mo Cool Fern....pero masarap talaga. mas mainam kung matagal mong pakuluan yung dahon ng pandan sa paglulutuan ng gelatin. Mas nalalasahan mo yung lasa ng pandan. Kung baga natural hindi yung atificial flavor lang.
Dennis said…
Hi Eva....Magkaiba yung sweet coconut strips at macapuno. Pwede din din siguro ang macapuno pero iba na ang magiging pangalan ng dessert mo....macapuno pandan na...hehehehe. Hindi ako partikular sa brand....basta nakalagay dun sa label coconut strips nga...so buko yun.

Also, hindi mo na kailangan ng sugar kung bottled sweet coconut ang gagamitin....not like kung fresh buko. Sabi ko nga madaling mapanis kung fresh cococnut ang gagamitin.

Try mo ito eva...masarap talaga.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy