CHEESY CHICKEN BALLS
First time ko lang gumawa ng bola-bola na ang gamit ay giniling na manok. Actually, dalawang lutuin ang nagawa ko sa giniling na manok na ito. Yung isa, yung pumpkin ang chicken soup at pangalawa ay ito ngang chicken balls. Sa recipe na ito marami kang pwedeng gawin na lutuin. Pwedeng gawin mo itong chicken siomai, o kaya naman chicken lumpiang shanghai. Pwede din na sahog sa iyong almondigas o kaya naman ay fried wanton. Pwede din ang sweet and sour chicken balls. All these kinds of food pero isa lang ang base recipe. Try nyo lang at marami talaga kayong magagawa sa recipe na ito. Share nyo na lang sa akin yung iba pa ninyong nagawa. hehehehehe
Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Chicken
1/2 cup finely chopped dried shitake mushroom soak in water
1 medium carrots finely chopped
1 large red onion finely chopped
2 egg
2 tbsp. corstarch
1 tbsp. sesame oil
salt and pepper to taste
1 8g sachet maggie magic sarap
cheese cut into cubes
cooking oil for frying
All purpose flour
Paraan ng paluluto:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa cheese cubes, cooking oil at flour. Maari kayong mag-prito ng kaunti para matikman nyo kung tama na ang lasa.
2. Gumawa ng bola-bola na mga sinlaki ng golf ball. Lagyan ng cheese sa loob bago bilugin. Ilagay sa isang lalagyan.
3. Magpakulo ng mantika sa isang kaserola o kawali.
4. Igulong isa-isa ang bola-bola sa harina at saka ihulog o i-prito sa kumukulong mantika.
5. Hanguin sa paper towel para maalis ang excess na mantika.
Ihain na may kasamang catsup or sweet chili sauce.
Till next....Enjoy!!!
Comments