Chicken, Mushroom & Potatoes in Creamy White Sauce


Eto na naman ang isang dish na masasabi kong experimental.....Basta inilagay ko lang kung ano ang available sa fridge and presto may ulam na kami. At puring-puri ng mga anak ko ha. Hehehehehe....Walang nang herb or spices akong inilagay. Kung baga basta gisa-gisa lang siya and ayun. It's a simple dish na napaka-daling lutuin. Try nyo! Masarap din itong pambaon ng mga kids at tayo na din.



Yung picture sa itaas ay nung niluluto ko ito at wala pa yung milk.


CHICKEN, MUSHROOM & POTATOES in Creamy White Sauce

Mga Sangkap:

1 kilo chicken thigh fillet

3 pcs. patatas (Hiwain ng apat)

1 big can Jolly whole button mushroom (hiwain sa gitna)

1 small can Alaska Evap (Yung red label ha)

3 cloves minced garlic

1 medium size onion chopped

1 thumb size ginger grated

4 pcs. calamansi

salt and pepper

butter for frying

1 tsp. cornstarch

Maggie magic Sarap (optional)


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap ng mga isang oras. Mas matagal mas mainam.

2. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang chicken fillet sa butter hanggang sa pumula ng kaunti ang balat ng manok. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa kaparehong kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin.

4. Ilagay ang piniritong manok. Lagyan ng kaunting tubig at takpan.

5. Makaraan ang mga 3 minuto, ilagay ang patatas at takpan muli. Lagyan ng tubig kung kinakailangan.

6. Ilagay ang mushroom kung luto na ang patatas. Ilagay na din ang alaska evap. Timpahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap kung kinakailangan. Hayaan kumulo ng mga 2 minuto.

7. Lagyan ng tinunaw ng cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit.

Hanggang sa muli......

Comments

Cool Fern said…
i think masarap din eto,dennis..
kasi pag may mushroom sumasarap ang luto mo..
dito ko na discover na ang dami palang klase ng mushroom..sa vietanmese store or asian store ang common name nila dito..
ang pinaka favorite ko na bilhin is called oyster's mushroom
Dennis said…
Alam mo ba nakahit sa mga sopas ay masarap din ang mushroom? Kung gusto mong mas sumarap ang sabaw ng nilaga mong baka, pwede mo ding lagyan nito. Yung dried shitake mushroom ba yun. Mas sumasarap talaga ang sabaw.

Thanks my friend
marinette_12 said…
Hello Dennis! Katatapos ko lang iluto ang recipe na ito at masarap nga. Ito ang dinner namin tonight ng kids ko. Mahilig sila sa mushroom kaya siguradong magugustuhan din nila ito.Salamat!
Dennis said…
Thanks Mom...nakakatuwa naman at nagustuhan nyo ang recipe na ito. I'm sure magugustuhan ito ng mga kids mo just like mine....hehehehe

Keep on visiting this blog....marami pang naka-lineup na recipe na masasarap....hehehehe.

Dennis
Pwede po ba i-marinade yung chicken ng 5hour?di po masisira?thank you
Dennis said…
Dapat nakalagay sa fridge habang mina-marinade.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy